“The cheaper the index stock’s price, the faster you should buy it.”
Sabi nila.
Sorry ha? I don’t think that’s logical.
Hindi natin kailangang magmadaling bumili o mag-top-up sa tuwing nakikita nating nagda-dive ang price ng isang index stock.
Wag mo munang isingit sa isip mo yang “Long-term naman ako, Sir.”
Kahit ka-long-term-long-term ang isang index stock, kung ganado pa ang mga tao na magbenta ng mabenta nito, wag mo munang saluhin yung tinatapon nila.
Hayaan mo muna yung mga decided sellers to reach an exhaustion level before you entertain the idea of buying new or more shares of that index stock.
“Eh Sir, umattend ako ng mga basic seminar. Sabi nila ang mag-peso-cost averaging ako. Ang PCA daw ay ang pagbili ng shares sa isang ka-invest-invest na stock on a regular basis sa kahit na anong presyo basta nasa baba pa rin ng Buy Below Price ang price kung saan ako bibili.”
Tama yung definition of peso-cost averaging na itinuro sa iyo.
Pero para sa akin ay MALI yung logic ng peso-cost averaging na yan.
Dun na lang tayo sa punto na bakit ka magmamadaling bumili or mag-top-up kung ang taas pa ng chance na may ibababa pa ang price ng stock?
Porke ba nasa baba pa rin ng ibinigay na Buy Below Price sa iyo ang pinakamurang Asking Price na nakita mo ay magta-top-up ka na kaagad?
Gawin nating specific ang kwentuhan.
Jollibee Foods Corporation (JFC).
Last April 11, 2019, JFC closed at 317.20. The next trading day, it closed at 310 per share.
Kunwari 350 ang Buy Below Price na ibinigay sa iyo ng kasalukuyan mong mentor or yun ang nakikita mong BBP sa investment guide on your broker’s platform.
Porke ba 310 is below 350 ay magta-top-up ka na or bibili ka na ng JFC shares kaagad?
Pagkalaki-laki ng bearish volume bar at nag-close ang price ni JFC sa baba ng volume weighted average price nito noong April 12. Yung Net Foreign Selling na P156 million noong April 12 ay siya pinakamataas na NFS from the start of trading in 2019 up to April 12. Noong April 12 din ay sumadsad sa ilalim ng 10SMA ang price ni JFC at nag-cross below the signal line ang MACD. Maraming chickenjoy, este, signs yun na hindi pa exhausted yung mga desidong magbenta ng JFC. In short, may gana pa silang magbenta.
On May 20, kahapon lang, JFC closed at 274.20.
Kung naging loyal ka dyan sa itinuro sa iyong peso-cost averaging at Buy Below Price, at kung napa-top-up ka noong April 12 between 310 and 319.80, tapos nakita mo ang pagsadsad ni JFC hanggang 272 per share kahapon, ano kaya ang naging pakiramdam mo?
Let me make it clear. Walang paraan para ma-detect ang literal na high or low ng isang stock. Pero may paraan para matantya natin kung may probability pa ba na mas bababa or kung magre-rebound na ba ang price. Ayaw ko na lang ikwento ulit dahil pagkahaba-haba pagka-klaro-klaro naman na ng sinulat ko sa https://www.equilyst.com/invest/ to explain kung ano yung paraan na yun. Pakibasa na lang dun (ulit).
Here are my key takeaways for you.
1. Peso-cost averaging and following a Buy Below Price are NOT the best strategies for long-term investors like you kahit gaano ka pa ka-busy.
2. Mag-check ng signs of exhaustion sa isang bearish na index stock bago mag-top-up ng mag-top-up or before you position for a new entry.
3. If may hawak kang index stock na nagte-trade pa rin sa presyo na above your trailing stop loss at gusto mong mag-top-up, check the following conditions if they are ALL true muna.
– the last candlestick is green
– the last price is above the VWAP
– the current volume bar is green and is higher than the 50% of the stock’s 10-day volume average, at least
– the most traded and most voluminous range must be closer to the intraday high than the intraday low
4. If uptrending pa rin ang hawak mong index stock at naka-schedule kang mag-top-up, check mo rin if present lahat nung 4 points na binanggit ko sa key takeaway # 3. If present silang lahat, mag-top-up dun sa most traded and most voluminous range.
You don’t need to subscribe to Equilyst Analytics if you can do everything on your own what I’ve mentioned on https://www.equilyst.com/invest/.
If napaisip ka sa pagpe-peso-cost averaging at pagsunod mo sa Buy Below Price, i-send mo ito or i-tag mo yung kaibigan or kakilala mong bilib na bilib pa rin sa PCA at BBP, hindi para badtrip-in mo siya, kundi para may ka-brainstorm ka naman if it’s high-time na ba to switch to a BETTER long-term investment strategy.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024