Isa sa mga madalas itanong sa akin ng mga client ay kung makakatanggap ba sila ng dividend.
Madalas, ang initial na sagot ko ay isang tanong rin dahil hindi complete ang tanong nila.
“Kelan mo ba binili o binenta yung shares mo?”
Importanteng malaman ko kung kelan nila binenta o binili yung shares nila para alam ko kung nagbenta o bumili ba sila before, on, or after the Ex-Div Date.
“Sir, bakit Ex-Div Date lang ang kino-consider mo? I visited edge.pse.com.ph. Tatlong klase ng date ang nandoon.”
Yes, tatlo nga. Pero Ex-Div Date lang ang need natin para malaman if makakatanggap ka ba ng dividend o hindi.
Bigyan ko na lang kayo ng BEFORE, ON, at AFTER scenarios whether nasa buyer or seller mode ka para may guide ka.
Let’s start.
—-
Kung BUMILI ka BEFORE the Ex Div, lahat nung shares ng dividend-issuing stock mo ay entitled sa dividend.
Kung BUMILI ka ON the Ex Div, hindi na entitled sa dividend yung mga shares na binili mo sa mismong Ex-Div Date. Kung may mga shares kang na-acquire before the Ex-Div Date, yun na lang ang entitled sa dividend.
Kung BUMILI ka AFTER the Ex Div, hindi na entitled sa dividend yung mga shares na binili mo after the Ex-Div Date. Kung may mga shares kang na-acquire before the Ex-Div Date, yun na lang ang entitled sa dividend.
—-
Kung NAGBENTA ka BEFORE the Ex Div, lahat nung shares na ibinenta mo ay hindi na entitled sa dividend.
Kung NAGBENTA ka ON the Ex Div, entitled pa rin sa dividend yung mga binenta mo.
Kung NAGBENTA ka AFTER the Ex Div, entitled pa rin sa dividend yung mga binenta mo.
—-
Ayan!
Malinaw na ba kung kelan ka makakatanggap at hindi makakatanggap ng dividend base sa petsa kung kelan ka bumili o nagbenta ng shares ng isang dividend-issuing stock?
Sige. I-share mo na ito sa mga kaibigan mong nag-i-stock rin para alam rin nila ito.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024