One time, tinanong ko lahat ng attendees sa seminar ko, “Sino sa inyo ang Net Gain na sa stock na hawak, pero stressed at problemado pa rin kung magbebenta na o hindi pa?”
Lahat ay nagtaas ng kamay.
Sana tinanong ko na lang, “Sino dito ang tao?” para nakatipid ako ng calories dahil mas maiksi yun.
Sa totoo lang, ganun din ako dati.
Pero na-realize ko na parang wala sa ayos kung net gain na ako sa stock pero stressed pa rin ako at clueless kung anong gagawin next.
Bilang hindi lang naman sa stock market umiikot ang mundo ko, kinailangan kong maghanap ng paraan kung papaano masosolusyunan ang dilemma ko.
I am aware na pabuwelo pa lang ang karamihan sa mga brokers sa paglo-launch ng stop loss feature sa mga platform nila.
So inaral ko ang TRAILING STOP LOSS (TSL).
How does it work?
Kunwari ang entry price mo sa stock ay P100.00.
Kunwari ang risk tolerance mo sa stock na yan ay nasa 5%.
Ang magiging initial trailing stop loss mo ay P95.00.
Paano naging P95?
Ito ang formula.
Initial TSL = Entry Price x (100% – Risk Tolerance %)
Kapag tumaas at sa tuwing tumataas ang market price ng stock mo, nag-a-upward adjustment ka rin ng TSL mo.
“Sir, gaano kataas ang mataas?”
Basta tumaas regardless of the amount.
Ito naman ang formula sa pag-a-upward adjustment sa TSL.
TSL = current price x (100% – Risk Tolerance %)
Kunwari ang stock mo ay umangat from P100 per share to P101 per share, ang latest TSL mo ay P95.95.
Paano yun nakuha?
Eh, ikaw na mag-fill-in-the-blanks dun sa formula na binigay ko. Yun na ang pinaka-practice mo. Ayos ba yun? 🙂
TANDAAN: Walang downward adjustment na mangyayari kapag bumaba naman ang share price ng stock.
Upward adjustment lang ang adjustment na magaganap.
Kasi, may 3 letter Ps na pwedeng gawin itong TSL na to.
– it PRESERVES your capital
– it PROTECTS your gains
– it PREVENTS unbearable losses
Paano nape-PRESERVE ng trailing stop loss yung capital mo?
Well, nakita mo naman na sa umpisa pa lang alam ko na kung saan ka e-exit kung sakali mang maging kontra-bida ang stock sa data-driven bullish expectation mo.
Wala naman pakialam ang market kahit na sangkatutak pa na data ang ginamit mo sa pagpo-forecast at kahit may 100 years of experience ka pa sa trading. Magmo-move ang market kung saan nya gusto.
With that in mind, kailangan buo na yang blueprint mo bago pa man mapunta sa portfolio mo yung stock.
Dahil kino-consider ng TSL yung percentage of risk na kaya mo lang sikmurahin, madidisiplina ka talaga na hindi mo hahayaang maging abo lahat ng capital mo.
Kapag nag-TSL ka, makakalimutan mo na yung “to the moon” na banat na yan.
Tudamun ng tudamun pero hindi naman nilalatagan ng matinong explanation at data-driven na dahilan kung paano mag-e-excursion sa buwan ang stock.
Paano napo-PROTECT ng trailing stop loss yung gains mo?
Walang downward adjustment na magaganap.
Puro upward adjustment lang.
So nala-lock or nase-secure yung gains mo.
Ang paggamit ng TSL, tinatanggal nya yung pagiging gahaman (greedy) ng isang tao.
May alam akong mga tao na ang entry price ay 90, pumalo ang stock sa 120 pero nakapagbenta sa 119.90 at hindi sa 120.
Ito ang malupit: Halos nasalok na nga nya lahat ng sentimong itinaas ng stock pero ang lungkut-lungkot pa rin niya. Ramdam mo yung sama nya ng loob na animo’y kung pwede lang ay ipapa-blotter nya sa pulis yung stock.
Hindi mo talaga masasalok lahat ng nalaglag na butil ng palay sa bukid kapag umaani ka.
Nakakita na ba kayo ng magsasaka na pinupulot ang mga nalaglag na butil ng palay sa kada square inch ng lupang sinakahan niya?
Kung kumita ako ng 20% sa trade at na-miss ko yung additional upside dahil na-trigger yung TSL ko, hindi ako magsasayang ng calorie sa katawan para namnamin yung extra percentage na hindi ko naibulsa.
Paano nape-PREVENT ng trailing stop loss yung unbearable losses?
I-emphasize ko ha? “Unbearable losses” ang sinulat ko at hindi lang “losses.”
Hindi possible ang hindi magkaroon ng net loss na trade sa buong buhay ng isang trader pwera na lang kung ikinamatay mo sa tuwa yung kauna-unahang trade mo na net gain.
Meron bang bearable na loss?
Meron. Ito yung nakaayon sa risk tolerance percentage mo.
Nakalagay yan sa formula na binigay ko.
Hindi man sumang-ayon ang realidad sa data-driven expectation mo, at least, hindi ka tulala na nag-iisip kung iti-trim mo na ba ang losses mo o hindi pa.
Kapag sumasakay ka ng taxi, tinatanong mo ba ang driver ng ganito, “Manong, saan na nga po kasi ang punta ko?”
Kung komedyante ka siguro, oo.
So ayan, sa tuwing may nakikita tayong mga nagpo-post ng mga katanungan kung dapat na ba silang mag-benta o hindi pa, paki-tag na lang natin sila sa post na ‘to.
May mga ibang bagay akong tinitingnan para malaman kung dapat ko na bang pangunahan ang TSL ko sa pagbebenta. Pero saka na lang yun. Ito na muna ang lesson na namnamin natin para mas mag-sync in.
Let Me Guide You Further
Access my investment guide for long-term investors, trade setups for short-term traders (daily videos), and direct access to my consultation service through our online Private Clients Forum when you subscribe to Equilyst Analytics.
Moreover, I conduct workshops on my personal and proprietary strategy in stock trading and investing. Check out my schedule of seminars near your area and buy your ticket immediately to reserve your seat. Seats are limited and reservation is on a “first come, first served” basis.
Nakatulong ba ang post na ‘to sa iyo?
Kung papaano ako sinipag na i-type sa Tagalog ang explanation na ‘to, sana sipagin ka rin mag-comment sa baba. Salamat! 🙂
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024