Maraming article dyan na nagsasabing wag ka muna raw bumili ng stocks kung wala pang P8,000.00 ang pera mo.
Kung nabasa mo na yung isa sa mga article about sa topic na ‘to, di ko na kailangang ikwento pa sa iyo ulit kung ano yung pinanghuhugutan ng P8K rule na yan.
Pero if first time mong marinig itong P8K rule na ‘to, pahapyaw ko na lang ikukwento ang pinanghuhugutan ng P8K rule na ‘to, sige.
May 0.25% or P20.00 (whichever is higher) broker’s commission kada transaction natin sa pagba-buy or sell ng stocks.
In short, minimum na porsyento ng mga broker ay P20 sa bawat pagbili o pagbenta mo ng stocks.
Pero, teka. Time out muna. Just in case may balak kang basagin ang punto de vista ko, “MINIMUM trading amount” ang operative phrase ng write-up na ‘to. Hindi maximum. Baka may balak kang bumanat ng, “Percentage po kasi ang calculation – hindi fixed na 20 pesos – kung kayat mainam na P8k dapat.”
Malinaw na? Okay, tuloy ang pagbabasa.
“Okay, Sir. Gets ko na. May 0.25% or P20.00, whichever is higher, na commission ang mga broker. Paano pumasok sa kwento yung P8K rule, Sir?”
Teka. Excited ka naman. Patapusin mo muna ako. Yan na ang next kong ikukwento. Importante kasi na gets mo yung puno’t dulo ng P8K rule na ‘to.
Yang 0.25% or P20.00 (whichever is higher) na commission na yan ay minu-multiply sa gross ng buy or sell transaction mo.
If P4,000.00 ang total na halaga ng shares na binibili or binebenta mo, ganito ang formula ng broker’s commission nun:
P4,000.00 x 0.0025 = P10.00
Pero dahil may “whichever is higher” na clause yung rule sa broker’s commission, P20.00 ang magiging broker’s commission.
Kaya lang naman nauso itong P8K rule na ‘to ay dahil dun sa mga feeling luging-lugi sa P10.00.
Siguro ganito ang nasa isip nila, “Teka, broker! Bakit mo ako sisingilin ng P20.00 samantalang 0.25% lang dapat ang commission ninyo. Sayang naman yung P10.00 kung bibilugin mo sa P20.00 ang commission mo porke less than P20.00 ang kinalabasan ng ‘0.0025 x total gross trade amount’. Wag ko na nga munang i-process itong transaction na ‘to. Mag-iipon pa ako para mabuo ko yung P8,000.00. Para kapag nagcompute ka ng “0.0025 x P8,000.00″ ay saktong P20.00 ang makukuha mo. With that, amanos tayo at hindi ako feeling lugi dyan sa ‘whichever is higher’ na conditional clause sa pagcompute sa commission ninyo.”
Sa mabilisang pagpo-process ng line of thinking na katulad ng quoted texts sa taas, mukhang intelihente ang trader na ganun mag-isip, ‘di ba?
Kung ako ang tatanungin, that’s not a smart move.
Dahil sa P10.00 na pinanghihinayangan mo, alam mo bang pwede mong ma-miss yung potential gains from capital appreciation?
Bigyan kita ng realistic example sige.
Megaworld Corporation (MEG).
Noong September 2018, na-touch ni MEG ang P4.00 per share.
May starting buying power kang P5,000.00 sa stock portfolio mo.
Ang minimum number of shares per boardlot kay MEG ay 100 shares.
Kung bibili ka ng 1,000 shares of MEG at P4.00 per share, mahigit P4,000.00 yun kasama na ang lahat ng tax at fees.
Gustung-gusto mo si MEG noong September 2018 pero hindi mo itinuloy ang plano mong bumili dahil naimpluwensiyahan kang matindi noong article na nabasa mo na nang-eengganyo na wag mag-transact ng less than P8,000.00.
Dahil P500.00 per month ang kaya mong itabi buwan-buwan mula sa sahod mo, inabot ka ng March 2019 bago mo nabuo ang P8K.
Masayang-masaya ka.
“Yahoo! Sa wakas! Mabibili ko na si MEG!” sabi mo pa nga.
Pero noong chineck mo ang price ni MEG, hindi na P4.00 per share. Nasa P5.80 na noong bandang last week of March 2019.
AT DUN NAGTATAPOS ANG KWENTO.
Joke lang. Ituloy ko ang kwento.
Napaisip ka ngayon.
Kung sanang bumili ka ng MEG shares noong September 2018 noong panahong nasa P4.00 per share pa siya, nagka-capital appreciation na sana ng P1,800.00 yung 1,000 shares mo dahil nasa P5.80 per share na si MEG noong bandang katapusan ng March 2019.
Ito ang tanong ko ngayon sa iyo.
Sa tingin mo ba ay nautakan mo ang broker mo sa P10.00 na pinanghihinayangan mo o nautakan ka ng pagkakataon dooon sa P1,800.00 na capital appreciation that you missed out?
Oop…Oppp…Opppsss.. Wag ka muna magkamot ng ulo. Di pa tapos ang kwento. Ireserve mo yan mamayang konti. Bibigyan kita ng go-signal.
Ito pa.
Paano na lang kung nag-issue pa ng dividends si MEG between September 2018 and March 2019?
Edi ipinagpalit mo yung P1,800.00 na capital appreciation at dividends sa P10.00?
Pwede ka ng magkamot ng ulo.
Ano ang buod ng post na ‘to?
Huwag mong ipagpalit sa amount na less than P20.00 ang potential for a capital appreciation na maaaring higit pa sa P20.00. Ilagay mo sa tamang lugar ang pagiging masinop sa mga barya.
“Bakit, Sir, sure-ball ba na tatakbo papuntang North lagi ang mga stock?”
Press CTRL + F. Search mo if may sinabi akong ganun sa post ko.
Hindi sure-ball yun pero isa yung probability.
The example (MEG) I gave you truly happened. You can check MEG’s chart if you’d like to verify.
Besides, there are data-driven methods to check if the ascent in price is more likely to continue or not. But that’s another topic for another post.
Please share this to your friend who’s into stock trading or investing so he will know what he’s gaining or losing from this P8K rule.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024