Solar Philippines Nueva Ecija Corp. (PSE:SPNEC) Technical Analysis
Maganda ang ipinapakitang pag-akyat ng price ni SPNEC dahil suportado ng magandang volume ang capital appreciation ng industrial stock na ito. Makikita sa chart sa baba na lampas pa sa 100 percent ng 10-day volume average ang daily volume ni SPNEC. Ibig sabihin nito ay may nakikita pa ring kabili-bili kay SPNEC ang mga stock traders and investors.
Alam na alam mong napapalapit na ang buying exhaustion ng mga traders at investors kapag below 50 percent of the stock’s 10-day volume average ang daily volume nito kahit pa green ang prevailing day change nito. But that’s not the case of SPNEC.
Relatively sizable rin ang nai-register na daily Net Buy amount ng mga foreign investors kay SPNEC for the past four trading days. Nasa humigit-kumulang P65 million ang naitalang net foreign buying sa nakalipas na apat na trading days.
Samantala, pasok na sa “high risk level” ang erraticity ni SPNEC gawa ng 84.50 percent 10-day historical volatility score nito. High risk siya in a sense na any day from now ay magla-lock-in profit ang mga nauna nang nakapasok kay SPNEC. Kapag naunang magsipagbenta yung mga may maraming hawak na SPNEC shares, it’s normal na susunod na rin yung ibang nasa ibaba nila.
Para sa isang relatively bago sa pagti-trade or pag-i-invest sa stock market, the normal tendency is to become more emotional than logical sa decision-making. Kaya kapag biglang tumaas ang presyo ng stock, ang isang newbie ay more likely na bibili na kaagad without even temp-checking if may chance ba na pumoporma na para magbenta ang ibang traders at investors. Also, kapag biglang bumaba ang price, a newbie is more likely to sell without even checking kung relatively sizable ba ang volume. If bumaba ang price pero insignificant ang volume, that means holders are just shrugging their shoulders off. It means less likely na maging sustainable ang pagbaba ng presyo when that’s the case.
Alam kong umaasa ang mga SPNEC holders na mapanatili nito ang kanyang position above its immediate support near P1.36, which is naka-level sa 61.80 percent retracement ng kanyang reversed Fibonacci. Ang kanya namang immediate resistance ay sakto sa P2.00, which is naka-level sa 61.80 percent extension ng reversed Fibonacci.
May Buy Signal Ba si SPNEC?
I-check natin kung ano ang sinasabi ng mga indicator ng aking proprietary methodology called The Evergreen Strategy in Trading and Investing in the Philippine Stock Market para malaman natin if may buy signal na ba o wala pa rin.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: YES
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: Not applicable ito dahil hindi pa sapat ang historical data para maubo ang MACD’s histogram.
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: NO
Dominant Range Index (DRI)
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for SPNEC’s DRI.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for SPNEC’s MSI.
Gusto Mong Mabasa ang Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts ni Equilyst Analytics. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024