Halos dalawang buwan na ring nasa downtrend channel si Jollibee Foods Corporation (JFC) magmula noong second week of November 2021. Although nagpakita ito ng green candlestick as of the time of writing, hindi pa rin ito nakakabawi sa itaas ng kaniyang 10-day simple moving average. On the other hand, nakabawi naman na ito sa pagkakabalik ng kanyang last price sa itaas ng previous resistance na P217.00 per share. Ang P217.00 na ito ay nagsisilbi na ngayong kanyang immediate support as of the time of writing.
Relatively maganda na rin ang ipinakita ni JFC na prevailing volume dahil ito ay lampas na sa 50% ng kanyang 10-day volume average as of the time of writing. Yun nga lang ay net seller ang mga foreign investors kay JFC na nasa halos P22.5 million. Just an FYI, ika-anim na trading day na ngayon na sunud-sunod na net foreign selling status si JFC. Mukhang wala pang nakikitang significant reason ang mga foreign investors na bilhin muli ang kanilang mga ibinenta nitong mga nagdaang araw.
Moreover, bearish pa rin ang position ng moving average converge divergence o MACD ni JFC. Although parang pumoporma na nang isang bullish convergence si MACD kay signal line, wala pa itong kasiguraduhan dahil ilang araw na ngang pababa ang price ni JFC.
Tingnan naman natin ang status ng Dominant Range Index at Market Sentiment Index ni JFC. Please know na ako ang nag-develop sa DRI at MSI kaya hindi mo mahahanap ang mga technical indicators na ito sa kahit kaninong charting tool maliban dito sa Equilyst Analytics.
Bullish ang position ng mga traded share prices na nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng trades at pinakamalaking volume. Kapag sinabing bullish, that means nakakumpol ang mga dominanteng prices na ito nang mas malapit sa intraday high kaysa sa intraday low.
Bullish rin ang traders at investors ni JFC as of the time of writing dahil mas mataas ang current price nito kaysa sa volume-weighted average price.
Dominant Range Index: BULLISH
Last Price: 218.2
VWAP: 216.14
Dominant Range: 217 – 217
I also found out that bullish pati ang Market Sentiment Index ni JFC. Higit sa kalahati ng mga broker na nag-trade kay JFC ang nakapag-register ng positibong Net Amount.
Market Sentiment Index: BULLISH
26 of the 49 participating brokers, or 53.06% of all participants, registered a positive Net Amount
23 of the 48 participating brokers, or 47.92% of all participants, registered a higher Buying Average than Selling Average
49 Participating Brokers’ Buying Average: ₱214.77271
49 Participating Brokers’ Selling Average: ₱215.82037
12 out of 49 participants, or 24.49% of all participants, registered a 100% BUYING activity
11 out of 49 participants, or 22.45% of all participants, registered a 100% SELLING activity
As you’ve read sa mga nabanggit ko, samu’t-sari ang status ng mga indicator na pinagbabasehan ng aking buying at selling decision. Kapag gumagawa ako ng trade or investment decision, hindi lang isa o dalawa ang basehan ko. Dapat ay bullish pare-pareho ang six indicators na aking basehan. Ipapakita ko sa iyo ang summary ng kani-kanilang status.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: NO
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: NO
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: NO
Dominant Range Index (DRI)
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: YES
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: YES
Verdict: JFC Technical Analysis
Sa summary na ipinakita ko, 3 lang out of 6 indicators ang bullish. Para sa akin ay hindi pa logical na bilhin o magdagdag ng shares kay JFC.
Personally, ito ang mga gagawin ko ayon sa situation:
Kung may hawak na akong JFC shares: Basta intact pa rin ang aking trailing stop, kaya ko pang i-hold ang aking position kay JFC. Hindi muna ako magta-top up. I’ll only top up kapag yung 6 indicators sa taas ay bullish na lahat. Now, ibang usapan na kapag ang Dominant Range Index and/or Market Sentiment Index ay bearish for 3 consecutive days. Kapag nangyari yun at hindi pa rin tinatamaan ang aking trailing stop, baka i-consider ko na ang pagpe-pre-empt sa aking trailing stop. Ibig sabihin ng pagpe-pre-empt sa aking trailing stop ay pangungunahan ko na ang aking trailing stop at magbebenta na ako dahil, ayon sa data, more likely na magtutuluy-tuloy pa ang pagbaba ng presyo nito.
Kung wala pa akong hawak na JFC shares: Hindi muna ako magte-test buy. Hintayin ko nang mag-breakout sa taas ng 10-day SMA si JFC. Kapag nangyari yun, medyo malayu-layo pa naman ang price sa resistance. That means makapal-kapal pa naman ang potential reward kaysa sa potential loss relative sa position ng price sa immediate support at initial trailing stop. Pero hindi porke nag-breakout ang price sa taas ng 10SMA ay automatic na bibili na ako. Dapat ko munang i-check ang status nung lahat ng 6 na indicators. Kung magkataon man na bullish silang lahat, magko-compute muna ako ng reward-to-risk ratio. If happy ako sa ratio, dun na ako magte-test buy within or near the prevailing dominant range.
Kailangan Mo Ba ng Ganitong Klaseng Tulong at Pagpapaliwanag?
Pwede kitang turuan at i-guide araw-araw sa pamamagitan ng stock market consultancy service ni Equilyst Analytics. Consider subscribing to our service. Iba pa rin kasi ang may access ka sa aming Private Clients Forum kaysa sa umaasa ka na lang sa mga libreng analysis na kagaya nito. Hindi mo alam kung kailan ulit mapi-feature ang stock na hawak mo sa aming libreng analysis. Kung subscriber ka, pwede kang mag-request ng aking analysis sa kahit na anong oras during trading hours. I’m also available for a 1-on-1, exclusive, whole-day training dito sa aking proprietary methodology. Just message me if you want to have a 1-on-1 online training session with me.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024