Bumili ka ba ng kauna-unahan mong shares of MerryMart Consumer Corp. (PSE:MM) noong kasagsagan ng pag-akyat ng share price nito bandang December 2020?
Hawak mo pa ba ang MerryMart shares mo until now?
If oo ang sagot mo, hindi yata kita mababati ng Happy New Year.
Why?
Dahil bumaba ng 59.06% ang share price nito from P6.18 per share noong December 29, 2020 to P2.53 per share noong December 29, 2021. Kahit pa sabihin mong nag-average down ka kada trading day sa buong nakalipas na taon, alam kong significant pa rin ang paper or unrealized loss mo kay MerryMart.
Pero basta ba intact ang at least 80% ng buy case mo, relatively okay ka pa naman siguro. Pero sa 59.06% na drop ng share price from the entry price, hindi mo ako mapapaniwala na “okay” ka pa talaga niyan. I’m an active trader and a passive investor with an extremely high risk appetite, pero never ko pa namang bulag-bulagang hinayaan na hino-hold ko pa rin ang position ko sa isang stock kahit pa 59.06% down na ito from my entry price.
Sa pagpasok ng 2022, nagpatuloy ang pagbaba ng share price ni MerryMart (MM). As of closing on January 3, 2021, nasa P2.40 per share na lamang ito.
Sa patuloy na pagbaba ng presyo nito sa merkado, hindi ko nakitaan ng significant na gana ang mga foreign investors na bumili ng bultuhan sa bawat pagkakataong bumababa ang share price nito. In fact, net selling ang status ng mga foreign investor for the entire 2021. Kung sisilipin pa nga natin ang monthly chart ni MerryMart ay makikita nating obvious na mas mahahaba ang bars ng net foreign selling months kaysa sa mga months net foreign buying sila. In other words, walang nakitang profitably attractive na dahilan ang mga foreign investors para matuwa sa pagbaba ng presyo nito. Kabaliktaran pa nga ang ginawa nila dahil isinabay nila ang pagbebenta ng MerryMart shares sa patuloy na pagbaba ng price nito.
Kung yung mga foreign investors na di hamak na mas malalalim ang bulsa kaysa sa karamihan sa ating mga local investors ay ayaw saluhin ang bumababang share price ni MerryMart, nasaan ang logic kung sasalungatin natin ang ginagawa nila? It goes without saying na afford na afford nila ang magbayad sa isang research company para alamin kung worth it bang saluhin ang mga ibinebentang MerryMart shares ng ibang investor.
Hindi naman masama ang maging contrarian sa moves ng mga deep-pocketed foreign investors. Minsan nga ay umaakyat pa ang share price ng isang stock kahit pa benta ng benta ang mga foreign investors. Pero sa kaso ni MerryMart na nagpakita ng kawalang-gana para mag-buy-back ang mga foreign investors, at consistent rin naman sa pagbaba ang share price ng stock, mukhang hindi na mathematically logical kung kokontra pa tayo sa galaw ng mga mas malalalim ang bulsa kaysa sa majority sa atin.
Technically-speaking, may worst pang pwedeng mangyari kapag nabasag ang support between P2.30 and P2.40 dahil naka-position sa P0.95 per share ang 61.8% ng reversed Fibonacci na nai-plot ko. Hindi ako nananakot. Ini-interpret ko lang ang nababasa ko sa aking chart. Ito’y mga probabilities at hindi guarantees. Pero kahit pa probabilities lang sila, hindi natin sila pwedeng ipagsawalang-bahala.
Pagdating naman sa usaping risk level, may moderate risk level na si MerryMart dahil sa kanyang 10-day historical volatility score na almost 66%. Patawid na rin siya sa high risk level kapag umapak na ang kanyang historical volatility score sa higit 70%. Hindi na talaga newbie-friendly stock si MerryMart kapag nangyari iyon. More emotional than logical kasi kapag newbie pa lang. Hindi ko nilalahat, pero majority ng newbies ay ganoon. I know because I’ve been guiding almost 3,000 traders and investors since 2014 through Equilyst Analytics’ stock market consultancy service. Ganoon ang nakita at na-observe kong pattern of decision-making ng karamihan sa mga newbies.
Paano Malalaman If May Buy Signal si MerryMart (MM)?
May proprietary methodology ako sa stock trading and investing. Hindi ako nagre-rely sa classical na pamamaraan ng pag-i-interpret ng mga nakikita ko sa aking technical analysis. Ipapakita ko ngayon sa iyo ang status nitong 6 indicators na aking mino-monitor. Dapat ay bullish lahat ang 6 indicators para magkaroon ng confirmed buy signal ang isang stock para sa akin.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: NO
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: NO
Dominant Range Index (DRI)
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: NO
Dominant Range Index: BEARISH
Last Price: 2.4
VWAP: 2.43
Dominant Range: 2.4 – 2.4
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: YES
Market Sentiment Index: BULLISH
13 of the 24 participating brokers, or 54.17% of all participants, registered a positive Net Amount
11 of the 24 participating brokers, or 45.83% of all participants, registered a higher Buying Average than Selling Average
24 Participating Brokers’ Buying Average: ₱2.42783
24 Participating Brokers’ Selling Average: ₱2.42652
6 out of 24 participants, or 25.00% of all participants, registered a 100% BUYING activity
5 out of 24 participants, or 20.83% of all participants, registered a 100% SELLING activity
MerryMart (MM) Technical Analysis: May Buy Signal o Wala?
Walang buy signal si MerryMart based sa aking proprietary technical analysis dahil 3 out of 6 indicators lang ang bullish. This is based on the available data as of closing on January 3, 2021.
Anong Gagawin Kung Hawak Mo Pa Rin si MerryMart?
Isa lang naman ang obvious na dapat isipin at gawin kung may hawak ka pang MerryMart shares. Ito ay ay tanungin ang sarili mo kung within your tolerable risk pa ba ang paper loss na meron ka o hindi na. Maging honest ka sa sarili mo. Hindi yung kinakalamay mo lang ang sarili mo na kesyo tolerable pa ang mga nangyayari pero 220/190 na pala ang blood pressure mo dahil naalala mo na naman ang paper loss mo.
Gumagamit ako ng trailing stop. Iisa lang ang isasagot ko sa iyo kapag tinanong mo ako kung kailan ako magbebenta. Magbebenta ako kapag tinamaan na ang trailing stop ko or kapag papalapit na ang price sa trailing stop ko at nakikitaan ko ng malaking chance na magpapatuloy pa ang pagbaba ng presyo. Kapag yung latter ang situation, ipe-pre-empt ko na ang trailing stop ko.
Maaaring alien pa sa iyo ang prinsipyo ng paggamit ng trailing stop or kung ano ba talaga ang trailing stop. Isa ito sa maraming bagay na ine-explain ko in detail sa mga nag-a-avail ng 1-on-1, whole-day, mentoring session with me na may free 1-year subscription sa Equilyst Analytics. Mag-send ka lang ng message if interested ka to avail of this service.
Anong Gagawin Kung Wala Ka Pang MerryMart (MM) Shares?
Maganda nga yang wala ka pang MerryMart shares hanggat walang confirmed buy signal si MerryMart. Huwag kang magmadali. Hintayin mo munang maging bullish na lahat yung 6 indicators na sinabi ko.
If dumaan ka na sa 1-on-1 mentoring session with me or kung subscriber na kita sa Equilyst Analytics, madali lang namang malaman kung may buy signal ang isang stock.
Papaano?
Titingin ka lang sa Stock Screener tab for subscribers. Kapag nandun ang stock na hinahanap mo, tiyak yun na may confirmed buy signal siya.
Pwede ka rin namang ma-send ng ad hoc request for my technical analysis sa kahit na anong PSE-listed stock sa Private Clients Forum for subscribers. Every end of trading day ko lang kasi ina-update yung Stock Screener. So kung gusto mong malaman if may buy signal na ba o pa ba ang isang stock as trading happens, i-post mo lang ang request mo sa Private Clients Forum at sasagot ako as trading happens din.
How to Hire Me as a Mentor?
May two ways.
The first option is to avail of the 1-on-1, whole-day, virtual training session with me. May kasama na itong 1-year free subscription sa Equilyst Analytics. Sa 1-on-1 training na ito ko ituturo sa iyo ang kabuuan ng aking proprietary methodology. Magagamit mo ang 1-year subscription para mai-raise mo ang mga follow-up questions (siguro akong may mga follow-up questions ka). Sa subscription na ito mo makikita yung mga natutunan mo in action.
The second option is direktang mag-subscribe ka lang sa stock market consultancy service ni Equilyst Analytics. Walang 1-on-1, whole-day, virtual training dito. Magbabasa ka lang ng Subscriber’s Manual. Kapag may hindi ka naiiintindihan sa nabasa mo, pwede mong itanong sa Private Clients Forum para sa mga clients namin. Please read ang buong home page ng website namin at https://www.equilyst.com para sa detalye ng mga inclusions ng aming subscription service.
Although mas may presyo ang 1-on-1 training session kaysa sa subscription service lang, mas magiging klaro ang pagkakaintindi mo sa methodology ko at mas mabilis mo itong maiinintidhan dahil solo mo ang training session. Hindi ka mahihiyang magtanong. Alam ko kasing nahihiyang magtanong ang iba kapag group learning session. Pero dahil 1-on-1 nga ang setup, alam kong hindi ka mako-conscious sa pagtatanong. On top of that, mas mabilis mo pang makukuha ang mga kasagutan sa mga tanong mo dahil live mo akong matatanong. Libre pa ang 1-year subscription mo.
If subscription lang ang gusto mo, yung walang 1-on-1 training session, click here para mag-subscribe. Nandyan na sa page na iyan lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa subscription service. Nariyan na rin ang subscription form na need mong i-fill-out after mong magbayad.
If gusto mo naman ng 1-on-1, whole-day, virtual training with me (with 1-year free subscription), please click here to send me a message.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024