Insights for Marcventures Holdings (PSE:MARC)
Isa si Marcventures Holdings (PSE:MARC) sa mga stocks na namayagpag, in terms of capital appreciation, noong kasagsagan ng pandemanyang COVID-19 noong 2020, hanggang sa mag-peak ito sa P1.97 per share (intraday high) noong January 15, 2021.
Mula January 2021 hanggang October 2021 ay binagtas nito ang downtrend channel hanggang sa umabot ito below P1.00 per share.
From October 2021 to November 2021 ay bumawi ito ng malapit-lapit sa P1.50 per share. Nahirapan si MARC na i-sustain ang uptrend na iyan kaya nag-reverse siya ng trend sa huling buwan ng 2021. Ngayon ay paakyat na naman ito.
Makikita na ba natin ang tuluy-tuloy na pag-akyat ni MARC sa taas ng prevailing support malapit sa P1.50?
Pangarap na lang ba na makita nating ma-hit nito ang resistance malapit sa P1.90?
Ano ang gagawin mo kung sakaling ma-sustain nito ang kanyang position sa immediate support at P1.50? Will you sell on strength, average down, or stay in a cash position?
Kamusta si MARC in the Past 12 Months?
Kung magdo-drawing ako ng isang downtrend channel from January 2021 to January 2022, makikitang labas na sa downtrend channel ang prevailing price ni MARC.
Kamusta si MARC in the Past 30 Days?
Pasok sa uptrend channel si MARC if we’re going to limit our view sa past 30 days lang as ating chart. Gumagalaw pa rin naman ito sa taas ng kanyang 10-day simple moving average (SMA).
Kamusta ang Galaw ng mga Foreign Investors?
Very insignificant at negligible, so far, ang participation ng mga foreign investors sa trading ni MARC. In fact, once every two years lang ito mag-register ng isang net foreign amount na kapuna-puna sa net foreign histogram. When you compress the net foreign’s histogram for, let’s say, 3 years ay halos hindi mo na makita yung mga daily net foreign amounts nito. So, hindi natin papansin ang sentiment ng mga foreign investors kay MARC unless mag-register sila ng mga significant net foreign buying or selling amounts for at least 3 consecutive trading days.
Kamusta ang Volume ni MARC?
May kapangitan ang daily volume na ipinapakita ni MARC. Napakaraming mga araw ang below the 50% of MARC’s 10-day volume average ang naire-register nito. Kapag sideways na nga ang price action, more likely na mananatiling ganoon ang movement ng price kung malamya pati ang volume nito.
Binanggit ko na nasa uptrend channel si MARC in the short-term scale. I suggest punain mo rin ang sustainability ng uptrend na iyan relative sa ipinapakita nitong daily volume. Sa palagay mo ba ay mapaninindigan ni MARC ang uptrend na iyan if hindi ganoon ka-significant ang size ng daily volume nito? Your answer is as good as mine.
Kamusta ang Prevailing Momentum Based sa MACD ni MARC?
Uptrend kung sa uptrend, but that’s just the classical way of interpreting MACD’s histogram. Huwag kang gagawa ng go or no-go decision based sa iisang indicator lang.
Newbie-friendly pa ba si MARC?
Nasa almost 85% na ang 10-day historical volatility ng mining company na ‘to. Ibig sabihin ay may high erraticity level na ito. Hindi na ito newbie-friendly. May chance na mag-print ang stock na ito ng either erratic price movements or gap ups and downs. Kapag newbie ka, hindi ba nalalaglag rin ang puso mo kapag may erratic price movement o gap ups and downs ang isang stock? Kung hindi mo pa controlled ang emotion mo at wala ka pang ganoong baong tried-and-tested na methodology sa stock trading and investing, malamang may makakagawa ka ng premature na trade or investment decision.
May Buy Signal Ba Si MARC?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: YES
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: NO
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of this stock.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of this stock.
Want Access sa Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts na siyang bubuo sa analysis ko. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman mo kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024