Greenergy Holdings (GREEN) Analysis
Nagtapos ang araw ng Lunes, October 12, 2020, na kung saan si Greenergy Holdings, Inc. (GREEN) ay nagkaroon ng closing price na ₱2.40, mas mababa ng 1.23 percent kaysa sa closing price niya noong Friday, October 9, 2020.
Si GREEN ay may total turnover value na ₱26.19 million. Ang kanyang huling volume bar ay malapit na sa 100 percent ng 10-day volume average nito. Masasabi kong walang significant na issue sa traded volume ni GREEN hindi lang sa araw na ‘to kundi pati na rin sa nagdaang 10 trading days.
Ang mga local traders at investors ang nagpagalaw ng husto sa price ni GREEN today. Ang participation ng mga foreign investor ay nasa humigi’t kumulang 4 percent lamang, relative sa total turnover value ni GREEN.
Ang mga foreign investor ay nagtala ng net foreign selling na nagkakahalagang ₱199,500.00 lamang. Hindi ito ganoon kalaki kung kaya’t masasabi kong hindi natin kailangang masyadong tutukan o bantayan ang participation ng mga foreign investor kay GREEN. Hindi ganoon kalaki ang contribution nila sa pagpapagalaw sa araw-araw na price ni GREEN.
Noong nakaraang linggo ay na-break ni GREEN ang dating resistance sa presyong ₱2.26, na ngayon ay tumatayong kanyang immediate support. Ang immediate resistance naman ay malapit sa ₱2.63.
Ang huling candlestick, bagamat pula ito, ay nasa itaas pa rin ng 10-day simple moving average. Ang MACD naman ay gumagalaw pa rin sa ibabaw ng signal line. As far as the methodology of Equilyst Analytics is concerned, masasabi kong bullish pa rin ang 10SMACD combo ni GREEN. Inirerekomenda ko na bullish dapat pareho ang 10SMACD at Momentum Power Indicator ng isang stock para magkaroon ito ng confirmed buy signal.
May nakikita akong indicator na nagse-second the motion sa bullishness ng trajectory ni GREEN. Ito ay nanggagaling sa directional movement index o DMI. Ang berdeng DMI line ay nasa ibabaw ng pulang DMI line, at ang itim na average directional index (ADX) ay lampas 25 points. Ayon sa classical interpretation ng statistics na ito, masasabi kong may kalakasan pa rin ang upward momentum ni GREEN. Pero hindi ibig sabihing may kalakasan ang upward momentum ay kabili-bili na agad ang isang stock. Depende yan kung hawak mo na ang stock or papasok ka pa lang. Besides, kailangan mo pa rin kasing i-consider yung reward-to-risk ratio mo. Kailangan mas malaki ang hinahabol mong potential gain kaysa sa humahabol sa iyong potential loss.
Sa kabilang banda, si GREEN ay isa pa ring low-risk stock na maituturing dahil sa 10-day historical volatility score nitong nasa almost 48 percent. Patawid na ito sa moderate-risk level. Ang pinapatungkulan ko dito ay ang tarik o lalim ng pag-akyat at pagbaba ng presyo ng stock, respectively. Kapag banayad lang ang upward or downward movement ng isang stock, mapapansin mong nasa below 50 percent or hindi lumalampas sa 70 percent ang 10-day historical volatility nito. Kapag erratic naman ang pagtaas at pagbaba ng presyo, na animo’y parang wala ng bukas, asahan mong lampas 70 percent or 100 percent ang 10-day historical volatility score nito. Kapag newbie trader or investor ka, mas mainam na mag-umpisa ka muna dun sa mga hindi “heart attack” na stock. In short, tutukan mo muna yung mga stock na banayad lang ang galaw. Saka mo na i-level-up ang risk na kaya mong i-handle kapag controlled mo na ang emotion mo at may tangan ka nang matibay-tibay na experience sa stock trading or investing. Hindi pwede ang “basagulero” sa stock market.
Binanggit ko kanina na dapat ay bullish pareho ang 10SMACD at Momentum Power Indicator ng isang stock para masabing may confirmed buy signal ito. Alam na nating bullish ang 10SMACD ni GREEN. Ang tanong ay, “Bullish rin kaya ang Momentum Power Indicator ni GREEN?” Malalaman natin yan sa trade and volume distribution analysis ko.
Trade-Volume Distribution Analysis
Last Price: ₱2.40
VWAP: ₱2.40
Dominant Range: ₱2.38 – ₱2.40
Unfortunately, lahat ng 4 na elements ng Momentum Power Indicator ay bearish. Kaya naman bearish rin ang overall Momentum Power Indicator ni GREEN. Sa kung ano ang 4 elements na iyon, malalaman ninyo sa online stock market course na kasama sa stock market consultancy service ni Equilyst Analytics. Paki-review na lang yung online stock market course sa account mo if isa ka sa mga client namin.
So, dito pa lang ay alam na nating wala pang confirmed buy signal si GREEN as far as kung ano ang nangyari today is concerned. Subject to change naman yan as trading happens. Hindi porke no confirmed buy signal siya as of today’s closing, hindi ibig sabihing hindi na ito magkakaroon ng confirmed buy signal bukas, tomorrow, the day after tomorrow, and so forth.
Pwede rin namang mawala ang confirmed buy signal ng isang stock any time. Depende nga kasi iyan sa status ng mga variable na kasama sa methodology ng Equilyst Analytics. Ipinapaalala ko lang na this is as far as my methodology for Equilyst Analytics is concerned. Wala namang problema kung pabago-bago ang presence or absence ng confirmed buy signal ng stock basta ba gumagamit ka ng trailing stop. Hindi kasi fixed ang value ng trailing stop at adjustable (upward adjustment only) ito basta umaangat ang price ng stock. Dun mo na lang alamin ang detalye ng usaping ito sa online stock market course for our clients.
True Market Sentiment – EOD (October 12, 2020)
True Market Sentiment: NEUTRAL
7 of the top 10 brokers registered a positive Net Amount
4 of the top 10 brokers registered a higher Buying Average than Selling Average
Top 10 Players’ Buying Average: ₱2.4022
Top 10 Players’ Selling Average: ₱2.4094
9 out of 37 participants, or 24.32% of all participants, registered a 100% BUYING activity
11 out of 37 participants, or 29.73% of all participants, registered a 100% SELLING activity
True Market Sentiment – MTD (October 1-12, 2020)
True Market Sentiment: NEUTRAL
7 of the top 10 brokers registered a positive Net Amount
5 of the top 10 brokers registered a higher Buying Average than Selling Average
Top 10 Players’ Buying Average: ₱2.3193
Top 10 Players’ Selling Average: ₱2.3144
9 out of 70 participants, or 12.86% of all participants, registered a 100% BUYING activity
18 out of 70 participants or 25.71% of all participants registered a 100% SELLING activity
Maging ang value ng True Market Sentiment sa end-of-day at month-to-date charts ay nagpapahiwatig na maghunos-dili desisyon na i-trade na kaagad si GREEN. Neutral silang pareho. Pang-second opinion ko kasi ang True Market Sentiment. Dito ko rin tinitingnan ang average price ng top 10 players ng isang stock. Dito ko nakikita kung saang price sila posibleng nakaabang. Hindi ko sinabing “sure ball” na nakaabang kundi “posibleng” nakaabang. Gusto ko lang linawin yun dahil never na magiging about sa certainty ang usapan sa stock market kundi probability.
Recommendations
Kung hawak mo na ang GREEN sa portfolio mo, gusto kong i-assume na intact pa ang trailing stop mo. Kung ganoon nga ang sitwasyon mo, mainam na i-hold mo muna ang position mo. Wala ka naman dapat ipag-worry dahil intact nga ang trailing stop mo. Ang trailing stop mo kasi ang basihan ng loss na kaya mo lang i-take. Huwag mong iisiping, “Wow, bibili pa ako ng maraming shares of GREEN habang pula ang last candlestick.” Sayang ang buying power kung mag-aapura ka kung sinasabi naman ng data-driven analysis mo na more likely to continue ang pagbaba ng price. While hindi naman sure ball na bababa pa nga talaga ang price, at least, hindi ka nanghula lang sa likelihood ng pwedeng mangyari.
Mas madaling tanggapin sa sarili ang pinatunayan ng market na mali ang data-driven analysis mo kaysa sa pinatunayan ng market na mali ka sa panghuhula mo. Kapag data-driven ka and the market proves you wrong, at least, may pwede kang i-improve na strategy. Kung panghuhula at instinct lang ang pinaghugutan mo ng decision at pinatunayan ni market na mali ka, anong i-improve mo dun? Ang panghuhula? Paano mo naman i-improve ang panghuhula? Isa pa, if data-driven ka naman, even if the market proves you wrong, hindi mo naman ipapatalo ang lahat ng capital mo, provided may trailing stop ka nga. Lahat ng detalye ng mga kinukwento ko sa strategy ko ay nakapaloob sa online stock market course ni Equilyst Analytics. May Tagalog at English versions yung course. May access ka sa both if you’re one of our clients.
Now, if wala ka pa namang hawak na GREEN shares, be on a wait-and-see mode na muna. Kapag naging bullish pareho ang 10SMACD at Momentum Power Indicator ni GREEN, mag-compute ka muna ng reward-to-risk ratio mo. Syempre, i-check mo dapat if di hamak na mas malaki yung potential win kaysa sa potential loss. If kuntento ka naman sa ratio na nakuha mo, mag-request ka ng latest trade-volume distribution analysis namin sa Private Clients Forum (para sa mga client lamang) para alam mo kung saang dominant range mas logical na i-position yung buying price mo. Kapag na-trigger yung buying price mo, compute-in mo na kaagad ang trailing stop mo. Pwede mong gamitin ng libre yung aming reward-to-risk ratio calculator, trailing stop calculator, at marami pang iba sa online stock market library ni Equilyst Analytics.
Kailangan mong gumamit ng trailing stop para hindi mo na kailangang itanong sa mga stock market-related Facebook Groups kung dapat ka na bang magbenta at saang price magbebenta. Malay ng ibang tao kung dapat ka na bang magbenta. Kanya-kanya ang bawat tao ng risk tolerance at mga sitwasyon sa buhay. Kung ang perang pinang-te-trade mo ay nakalaan para sa kasal mo, alam ba iyon ng mga random people na pinagtatanungan mo sa Facebook? Paano kung hina-hype ka lang nila na okay lang na i-hold mo ang position mo kahit pa more likely na magtutuluy-tuloy ang pagbaba ng price ni GREEN? Edi ipo-postpone mo ang kasal mo? Malamang, ganoon na nga ang mangyayari dahil hindi mo naman pwedeng singilin yung mga nang-uto sa iyo sa Facebook. This is the reason kung bakit pinaggigigilan ko ang advocacy ko in teaching you how to invest INDEPENDENTLY and trade TACTICALLY para kahit iwan kang nagte-trade ng nakaharap sa isang blankong pader, kaya mong magdesisyon mag-isa kung anong gagawin mo sa pera mo. Again, wala namang kamuwang-muwang ang ibang tao sa financial goals, risk tolerance, investment horizon, o maging sa mga pinagdadaaan mo sa buhay na may role ang pera. Ikaw lang ang taong makakapag-mix and match lahat ng yan para makabuo ka ng investment decision na factored-in lahat ng mga elementong yan.
Let Me Mentor You: Learn How to Invest INDEPENDENTLY and Trade TACTICALLY
You will learn how to analyze stocks on your own (like I do). You will learn how to confidently and systematically execute trading and investment plans.
Click here to read the details of our stock market consultancy service.
Click here to read the testimonials of those who benefitted from our work.
Join My Facebook or LinkedIn Group
Join my Facebook Group or LinkedIn Group for a chance to win a 1-year subscription to Equilyst Analytics and a P500.00 smartphone load for free in our daily contest!
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024