Insights for Globe Telecom, Inc. (PSE:GLO)
Isa si Globe Telecom (GLO) sa mga index or bluechip stocks ng Philippine Stock Exchange na nag-survive noong kasagsagan ng pandemic noong 2020.
Para sa akin ay survivor siya because nag-sideways lang ang paggalaw ng share price niya between P1900sh and P2,200sh pagputok ng mga community lockdowns between April 2020 to December 2020.
Ang ipinamalas ni Globe Telecom ay isa sa mga hinahanap nating katangian sa mga bluechip stocks na magandang maging parte ng ating portfolio for passive investing.
Sa pagpasok ng second half ng 2021 ay nakabawi si Globe Telecom. From its 2021 low na P1700sh ay umakyat ito sa P3,670 per share noong November 24, 2021.
Sa kasalukuyan, malapit sa P2,960 ang immediate support ni Globe Telecom, samantalang malapit naman sa P3,240 ang immediate resistance nito.
As of closing on February 9, 2022, si Globe Telecom ay nasa P3,032 per share, down by 0.72%. Si Globe Telecom ay down by 11.35% year-to-date.
Kamusta ang Participation ng mga Foreign Investors kay Globe Telecom?
Atras-abante ang mga foreign investors kay Globe Telecom. Pero, in fairness, net foreign buying mode sila for the past two consecutive weeks to the tune of nearly P82 million and P64 million for the last week of January 2022 and week-to-date, respectively. However, net foreign selling status naman sila for year-to-date to the tune of P111 million. Alam kong may pagpipigil pa ang participation ng mga foreign investors dahil umaabot sa 9-digit ang kanilang net buying or net selling amount kapag talagang highly interested sila in trading an index stock.
Kamusta ang Volume ni Globe Telecom?
Hindi naman matamlay ang volume ni Globe Telecom kahit tingnan pa natin on a daily basis. Ang bad news nga lang para sa mga may Globe Telecom na sa portfolio ay napaparisan ng volume na higit pa sa 100% ng 10-day volume average ni Globe Telecom ang negative day change nito. Sa simpleng salitaan ay may nakita talagang kabenta-benta ang mga present holders ni Globe Telecom para sumabay sa bentahan.
Alam na alam mo namang ipinagkikibit-balikat lang ng mga investors ang negative day change kung ang volume ay less than the 50% of the stock’s 10-day volume average kahit pa gaano kalaki ang negative day change.
As of closing on February 9, 2022, mukhang nasa court pa ng mga bears ang bola, so to say.
Kamusta ang Prevailing Momentum Based sa MACD ni Globe Telecom?
Sinasalamin rin ng MACD ni Globe Telecom ang bearishness na nakikita sa daily chart. Patuloy pa rin ang paggalaw ni MACD sa ilalim ni signal line. Wala rin akong nakikitang formation ng isang bullish convergence between MACD and the signal line.
Newbie-friendly pa ba si Globe Telecom?
May low erraticity level pa rin si Globe Telecom based sa kanyang 10-day historical volatility score na almost 36%. Pero hindi ibig sabihin nito na bibilhin mo na kaagad porke may low erraticity level ito. Ang ibig sabihin nito ay walang na-detect na abrupt spikes sa daily closing price ni Globe Telecom. Wala rin nakitang significant gap ups and downs sa recent trading days. In short, kalmado lang ang galaw nito. Hindi maaatake sa puso ang isang baguhan sa stock trading and investing, kumbaga.
May Buy Signal ba si Globe Telecom?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin.
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: NO
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: NO
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: NO
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of this stock.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of this stock.
Want Access sa Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts na siyang bubuo sa analysis ko. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman mo kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024