Global Ferronickel Holdings, Inc. (PSE:FNI) Technical Analysis
After almost 4 months ay nakapag-breakout si FNI sa kanyang minor resistance at P2.20. In case hindi ma-sustain ni FNI ang kanyang kasalukuyang position, maaaring bumalik si P2.00 as the immediate support. Pero if supported with volume ang kanyang ascent above P2.20, ang P2.40 ang immediate resistance na kailangan na niyang ma-break.
Ang tanong: Supported by a significant volume ba ang green day change ni FNI on January 19, 2022?
Sa tingin ko ay sa volume on Wednesday magkakaroon ng challenge para maipagpatuloy ang build-up ng confidence ng mga traders at investors na i-push pa higher ang price ni FNI. Bakit? Ang volume kasi niya nitong Wednesday ay below the 50% of FNI’s 10-day volume average. Itong 50% of the stock’s 10-day volume average kasi ang basis ko kung more likely ba na maging sustainable ang prevailing trend ng isang stock o hindi.
Noong Martes, January 18, ay pula ang day change ni FNI. Nagkaroon na ako ng clue noong Martes na mukhang magiging challenging para kay FNI na bawiin yung negative day change niya dahil lumampas pa sa 100% of FNI’s 10-day volume average ang red volume noong araw na iyon. That means may nakitang very convincing ang mga FNI traders and investors na talagang sumali sa pagbebenta sa araw na iyon.
Although nakabawi by a measly 0.91% si FNI nitong Wednesday, hindi ganoon kalaki ang kanyang pagbawi dahil yung mga traders and investors na nakakaintindi sa correlation between price and volume ay, malamang, naka-eavesdropping mode din sila sa lakas ng prevailing sentiment ng mga tao kay FNI nitong Miyerkules.
Kapag sinabi kong “eavesdropping mode”, ang ibig kong sabihin dun ay nakikiramdam ang mga traders and investors sa ibang traders at investors if magiging malakas ba ulit ang upward momentum o magpapatuloy lang ang downward momentum. Nag-reflect naman nga sa relatively mababang volume ni FNI nitong Wednesday ang kawalan ng confidence ng mga FNI traders at investors na laruin itong mining stock na ‘to.
Samantala, hindi ko na iko-quote masyado ang participation ng mga foreign investors kay FNI dahil barya-barya lang ang mga daily net amount nila sa stock na ‘to. Kapag ganyan kalamya ang participation ng mga foreign fundies sa isang stock, para sa akin ay walang magiging significant effect ang kanilang participation, unless magkaroon ng sudden sizable participation ang mga foreign investors. Ni-rewind ko naman na ang Net Foreign histogram ni FNI for the past 6 months at wala talaga akong nakitang sizable na net foreign, at least, ayon sa pansarili kong sukatan kung ano ang sizable at insignificant na halaga. Kapag hindi ka consistent sa pagti-trade to the tune of an 8-digit play money, hindi pa significant amount para sa akin yun. Kumbaga sa earthquake ay hindi ramdam ang presence mo.
On the brighter side, bullish pa rin naman ang trajectory ni MACD. Wala akong nakikitang formation ng isang bearish convergence between MACD and its signal line. Ang siste ko nga lang ngayon dito ay instead na palayo ng palayo sana ang price sa 10-day simple moving average ay mukhang sinusundo pa nito ang 10SMA. May chance na magbago ito kung ang green day change ay masusuportahan ng volume na lampas pa sa 50% ng 10-day volume average ni FNI. Yun ang abangan natin this Thursday, January 20, 2022.
Erraticity-wise, pasok pa rin naman sa low-risk category itong si FNI gawa ng 10-day historical volatility score nitong nasa 35.35%. Uulitin ko lang ang mga sinulat ko sa mga nagdaan kong write-ups: hindi porke low-risk ang erraticity score ni FNI ay pwede na natin itong i-trade ng nakapikit. As far as my proprietary methodology is concerned, dapat ay tingnan ko muna ang status ng 6 indicators na meron ang aking Evergreen Strategy.
May Buy Signal Ba si FNI?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: YES
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: NO
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: YES
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of this stock.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of this stock.
Gusto Mong Mabasa ang Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts ni Equilyst Analytics. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman mo kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024