Insights for DoubleDragon Corporation (PSE:DD)
More or less 5 years and 6 months nang namamalagi sa downtrend channel si DoubleDragon Corporation (PSE:DD) magmula nang ma-hit nito ang kanyang all-time high noong June 2016. On the lighter side, mukhang nakita nito ang support level bandand P6.90 per share noong December 2021.
So far ay nakapag-breakout na ito sa 2 previous resistance levels at P7.50 and P8.35. As of closing on February 7, 2022, Monday, DoubleDragon is priced at P8.80 per share, up by 9.18% from the previous closing price.
Nasa P8.35 pa rin ang immediate support level at bandang P10.00 per share naman ang immediate resistance level ni DoubleDragon.
Kamusta si DoubleDragon in the Past 5.5 Years?
Lugmok pa rin ito sa downtrend channel kagaya na nakikita mo sa chart sa taas. Kailangan nitong mag-breakout sa P16.00 para makaalis sa downtrend channel. Malayu-layong lakaran pa ‘to, so to say.
Kamusta si DoubleDragon in the Past 1 Week?
Pakunswelo, kahit papaano, sa mga DoubleDragon holders ang balitang umaabante ito for the past 4 consecutive trading days. Noong Friday, February 4, ay nag-advance ito by 8.48% at by 9.18% naman nito lamang Lunes, February 7.
Kamusta ang Participation ng mga Foreign Investors kay DoubleDragon?
Contrarian ang ipinapakita ng mga foreign investors dahil kung kailan umaabante ang price ni DoubleDragon ay saka naman nila nagre-register ng net selling. Anim na trading days na sunud-sunod nang net foreign selling ang kanilang status. Ang pampalubag-loob na lang siguro dito ay ang hindi ganoon ka-significant na size ng kanilang net selling amount. Ang pinakamalaki nilang net selling sa nagdaang 6 na trading days ay nasa P6.89 million lamang. In short, mga local traders and investors pa rin ang nagpapalakas sa pag-abante ng share price ni DoubleDragon.
Kamusta ang Volume ni DoubleDragon?
Maganda ang nakikita kong trend ng volume ni DoubleDragon dahil lahat ng 4 na nagdaang trading days ay lampas sa 100% ng 10-day volume average ang nai-register na daily volume. Ang ibig sabihin nito ay may relatively significant na pagkakaengganyo ang mga traders and investors na mag-buy up kay DoubleDragon. More likely na magtutuluy-tuloy ang pag-akyat ng share price kapag backed by volume na at least lampas sa 50% ng 10-day volume average ang sumusuportang volume sa positive day change.
Kamusta ang Prevailing Momentum Based sa MACD ni DoubleDragon?
Kung MACD lang ang pagbabasehan, bandang last week of December 2021 pa naging bullish ito. However, hindi ako nag-issue ng buy signal para sa subscribers ni Equilyst Analytics for this stock dahil may ibang parameters ang aking algorithm na hindi pa bullish noong December 2021. May hinintay akong parameter na magbibigay ng confirmed buy signal.
If you’re a subscriber of Equilyst Analytics, please log into your account and filter our Stock Screener para makita mo if kabilang na si DoubleDragon sa listahan ng may buy signal for February 8’s trading.
Newbie-friendly pa ba si DoubleDragon?
May moderate erraticity level si DoubleDragon based sa 10-day historical volatility score nitong 64.27%. Kung yung sagad na pagiging newbie-friendly ng erraticity level ang pinag-uusapan, it’s preferable na below 50% ang 10-day historical volatility score ng stock. At this stage, relatively manageable pa naman ang erraticity ni DoubleDragon.
May Buy Signal ba si DoubleDragon?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin.
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: YES
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: YES
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of this stock.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of this stock.
Want Access sa Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts na siyang bubuo sa analysis ko. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman mo kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024