DITO Technical Analysis
Namayagpag ang capital appreciation ni DITO CME Holdings Corp. (PSE:DITO) noong kasagsagan ng COVID-19 noong 2020. Nagkaroon ito ng almost 217 percent na capital appreciation magmula sa 2019 closing price nitong P3.44/share hanggang sa kanyang 2020 closing price na P10.90.
Pero kagaya ng kahit na aling stock, darating talaga ang buying exhaustion. Kaya naman nagsimula na itong bumaybay sa downtrend channel nang ma-hit nito ang kanyang 2021 high na P19.00/share.
Kahit pa medyo naka-recover na ang share price ni DITO sa taas ng 10-day Simple Moving Average (SMA) ay hirap pa rin nitong basagin ang immediate resistance malapit sa P6.24. Gayunpama’y halos dalawang buwan na nitong napoprotektahan ang kanyang immediate support malapit sa P4.88. Maaaring mai-retest ang secondary support malapit sa P2.75 kapag nag-breakdown ang price sa P4.88.
Samantala, nagpapakitang gilas ang mga foreign investors in trading DITO. Alam mo bang straight na foreign buying ang status nila for the past 12 trading days? Halos P100 million na ang net foreign buying for the past 4 consecutive trading days. Alam kong wish ng mga DITO holders na makatulong itong ipinapamalas ng mga foreign investors para mas umangat pa sa taas ng 10SMA ang share price papuntang immediate resistance.
Pagdating naman sa risk level ay nasa “extremely high” na level na si DITO gawa ng kanyang 10-day historical volatility score na almost 109 percent. Kapag ganito ay sinasabi kong hindi na newbie-friendly ang isang stock. Mataas ang tendency na makakita ng mga erratic price fluctuations at gaps (up and down) kapag lampas na sa 70 percent ang 10-day historical volatility score ng isang stock.
May Buy Signal Ba si DITO?
Ngayon nama’y tingnan natin kung may confirmed buy signal na ba si DITO ayon sa status ng mga indicators ng aking proprietary methodology called The Evergreen Strategy in Trading and Investing in the Philippine Stock Market.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: NO
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: NO
Dominant Range Index (DRI)
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for DITO’s DRI.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for DITO’s MSI.
Gusto Mong Mabasa ang Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo na sa Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts ni Equilyst Analytics. This way, malalaaman mo na ang mga logical options mo kung ano ang gagawin whether hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024