Insights for DITO CME Holdings Corp. (PSE:DITO)
Magtutuluy-tuloy na kaya ang pinakahihintay ng mga DITO holders para makabawi sa matagal na pagkakaipit (kung bumili sila sa mas mataas na price kaysa sa prevailing price)?
Nasa halos tatlong buwan rin na nasubukan ng ilang beses ang support ni DITO malapit sa P5.00 per share. Laking pasalamat na lang nga mga DITO holders na nag-hold above P5.00 per share si DITO. Otherwise, baka between P3.00 and P3.70 ang kababagsakan ni DITO.
Meanwhile, naging successful naman ang attempt ng mga DITO traders and investors na i-overtake ang dating resistance sa P6.00 per share nitong Martes, February 22, 2022, na may significant na laki ng volume.
Ngayon ay nakasabit na naman ang last price ni DITO sa laylayan ng prevailing support near P6.60. Ang prevailing resistance ay nasa P7.70.
Malamang ay mga nakabili malapit sa P5.00 per share ang nag-sell-on-strength malapit sa P6.60 per share. Yung mga umenter on a new position kay DITO when it was priced at P9.00 or above ay malamang hindi naka-wait-and-see mode pa rin sila. So, hanggat ang red candlestick ay hindi pinapartneran ng tatlong magkakasunud na red volume bar na lampas sa 50% ng 10-day volume average, may chance pa rin si DITO na tumalbog toward the northward direction.
Pero lilinawin ko lang that you should take this insight with a grain of salt dahil there are always two possibilities na pwedeng mangyari. The bottom line ay dapat aware ka kung nasaan ang trailing stop mo dahil iyon ang basehan kung hanggang ilang percent lang ng risk ang kaya mong i-tolerate.
Kamusta ang Participation ng mga Foreign Investors kay DITO?
Puro net foreign buying ang naitalang participation ng mga foreign investors sa nagdaang apat na trading days. Today, February 23, 2022, ay nasa halos P98 million ang net foreign buying.
Trivia: Ang net foreign buying amounts na nai-register nitong Lunes at Martes ang dalawang pinakamalaking net foreign amounts na nai-register ng mga foreign investors kay DITO from 1995 to date (assuming hindi mali o kulang ang data na naka-feed sa Net Foreign histogram ni DITO sa TradingView’s chart).
Kamusta ang Volume ni DITO?
Suportado ng volume na lampas pa sa 100% ng 10-day volume average ni DITO ang dalawang magkasunod na araw na pag-akyat ng price. Kaya naman very convincing ang ascent ng price noong Monday at Tuesday. In connection sa volume, sasabihin kong kailangang bantayan ng mga DITO holders ang pagme-maintain ng share price above P6.60 dahil relatively malaki ang volume behind today’s red candlestick. Ibig sabihin ay nangyari ang classical move na “sell near resistance” ngayong araw na ‘to.
Pampalubag-loob na lamang ang relatively sizable na P98 million net foreign buying despite the drop in price by 4.35% today, February 23, 2022, at P6.60 per share.
Kamusta ang Prevailing Momentum Based sa MACD ni DITO?
Bullish pa rin ang basa ko sa MACD ni DITO. Wala rin akong nakikitang formation ng bearish convergence between the MACD and the signal lines.
Newbie-friendly pa ba si DITO?
Extremely high na ang erraticity level ni DITO gawa ng 10-day historical volatility score nitong almost 111% na. Kahit pa bullish ang movement niya sa linggong ito, when you stretch the daily chart, makikita mong baon na baon pa rin sa downtrend channel si DITO for more than a year already. Sangkatutak na resistance ang kailangang basagin ni DITO para makalabas sa downtrend channel.
May Buy Signal ba si DITO?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin.
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: YES
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: NO
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of this stock.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of this stock.
Want Access sa Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aking Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts na siyang bubuo sa analysis ko. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own, araw-araw, o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aking stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aking website para malaman mo kung anu-ano ang inclusions ng aking stock market consultancy service.
Available rin ako for a one-on-one, 8-hour, exclusive online training with me. When you avail of this exclusive training, may libre kang 1-year subscription sa Equilyst Analytics. Message me now if you’re interested to this 1-on-1 advanced training with me.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024