Ayala Land, Inc. (PSE:ALI) Technical Analysis
Sa 12 months na meron ang 2021, 3 lang doon ang net buying ang mga foreign investors para kay Ayala Land (ALI). Kahit i-add pa lahat ng net foreign buying ng 3 buwan na iyon ay hindi ito sasapat para maitabla man lang ang P380 million na net foreign selling noong November 2021. Ang sentimientong ito ng mga foreign investors kay ALI ay pagpapatuloy lang ng kanilang net foreign selling noong kasagsagan ng COVID-19 noong 2020.
Although ang foreign investors’ sentiment ay hindi lang ang natatanging indicator para masukat ang overall sentiment either ng buong market or ng isang stock, gusto kong alamin palagi kung ano ang sentimiento nila sa isang stock dahil hindi naman mamera (barya) lang ang tine-trade ng mga ‘to. Kung hindi billions ay millions of pesos ang perang pinag-uusapan kapag foreign investors’ transactions na ang hinihimay. Sino pa ba ang makakapag-impluwensiya sa galaw ng isang stock kundi yung mga malalalim ang bulsa.
Nasa P33.20 ang immediate support at P38.20 naman ang immediate resistance ni Ayala Land. Sa nailatag kong Down Fibonacci chart kung saan nasa resistance ang swing high at nasa support ang swing low, mukhang tataas lang ang kumpiyansa ng mga investors na mag-buyback by a significant degree apag na-break na ang 61.80% Fibonacci retracement na nasa P36.30. Ano bang meron sa 61.80% ng Fibonacci na tinatawag ding “golden ratio”? By classical definition, pinapaniwalaang confirmation ng pagbabago o reversal ng trend kapag ang share price ay nalampasan na niya ang presyo kung saan nakatapat ang golden ratio na ‘to.
If bababa pa sa P33.20 ang price ni Ayala Land, baka ma-test ang support sa P31.20.
Risk-wise, pasok pa rin sa low-risk level si Ayala Land dahil sa kanyang 10-day historical volatility score na hindi pa naman lampas sa 50% as of the time of writing. Mind you, hindi porke nasa low-risk level pa rin ito ay hindi ibig sabihin na bibilhin mo na ito ng papikit.
Wala pa akong nakikitang formation ng bullish convergence or divergence ni MACD sa signal line. So, by classical interpretation, it’s more likely na magpapatuloy ang sideways movement ni ALI with a bearish bias, hindi lang dahil sa nakikita ko sa histogram ni MACD kundi pati na rin sa ibang indicators na bumubuo sa aking Evergreen Strategy 2.0.
Pwede Na Bang Mag-Average Down Kay Ayala Land?
Hindi ako nagdadagdag ng shares hanggat walang confirmed buy signal na ibinibigay ang algorithm ng aking proprietary methodology (Evergreen Strategy 2.0).
Isi-share ko ngayon sa iyo ang status ng bawat isa sa anim na indicators na minomonitor ng aking algorithm.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: HINDI
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: OO
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: HINDI
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: HINDI
Dominant Range Index (DRI)
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: HINDI
Dominant Range Index: BEARISH
Last Price: 33.95
VWAP: 33.99
Dominant Range: 33.75 – 33.8
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: OO
Market Sentiment Index: BULLISH
53 of the 72 participating brokers, or 73.61% of all participants, registered a positive Net Amount
49 of the 71 participating brokers, or 69.01% of all participants, registered a higher Buying Average than Selling Average
72 Participating Brokers’ Buying Average: ₱34.01701
72 Participating Brokers’ Selling Average: ₱34.09788
37 out of 72 participants, or 51.39% of all participants, registered a 100% BUYING activity
2 out of 72 participants, or 2.78% of all participants, registered a 100% SELLING activity
Ayala Land (ALI) Technical Analysis: May Buy Signal o Wala?
Based sa final synthesis ko, wala akong nakikitang logical na dahilan para mag-test-buy o mag-average down kay Ayala Land. Yun ay as far as my methodology is concerned. So, wala pang buy signal as of the time of writing.
Anong Gagawin Kung Hawak Mo Pa Rin si Ayala Land?
Alam ko okay ka pa kung within your tolerable risk pa rin ang paper loss mo. Ang tanong ko na lang ay, “Paano mo nasabing tolerable pa rin ang paper loss mo? Ano ang mathematical basis mo?” Sana ay hindi “Basta. Yun na yun.” ang sagot mo.
Kahit hindi mo naitatanong, may mathematical basis kasi ang lahat ng galaw dito sa Equilyst Analytics. Intentional na ginawa ko ng ganoon ang structure ng decision-making ko pagdating sa investments para maiwasan ko na subjective ang majority ng reasons ko for an investment decision. Hindi naman pwedeng tanggalin ang pagiging subjective dahil dun pa lang sa elemento ng risk tolerance ay subjective na ang part na iyon. Ang goal ay maging mas higit ang objective kaysa sa subjective components of decision-making. Another reason kung bakit mathematical ang structure ng decision-making ko ay para hindi ako bias sa mga clients ko sa Equilyst Analytics. Kaya kapag may nagtanong ng “Paano mo nakuha o paano ka nag-arrive doon?”, asahan mong hindi mawawala ang Mathematics sa sagot ko.
Kung wala kang foolproof na sagot sa kung paano mo nasasabi na within or outside your tolerable risk ang iyong paper loss, maybe you’d like to consider the concept of using a trailing stop.
Hindi ko style yung nagse-set ng fixed na Target Selling Price kagaya ng paboritong ginagawa ng mga stockbrokerage companies at ibang consultancy services na nagbibigay ng stock recommendations. Trailing stop lang ang basis ko kung saan ako magbebenta either with wins or losses.
If alam mo kung BAKIT, PAANO, at KAILAN dapat gamitin ang trailing stop, you’re already halfway done sa mga dapat mong matutunan to become an independent investor and a tactical trader sa Philippine stock market.
Sa mahigit 3,000 katao na aking na-guide since 2014, isa sa mga common denominators nila ang ganito: walang solidong dahilan kung paano napunta sa portfolio nila ang isang stock at wala ring solidong plano kung ano ang gagawin next kapag hindi sinang-ayunan ng reyalidad ang kanilang expectation.
Dapat ay may presence of mind ka sa mga ginagawa mo. Hindi pwede yung nacho-choke ka kapag tinanong sa iyo ang reasons mo kung bakit meron kang ganitong stock sa portfolio mo.
Anong Gagawin Kung Wala Ka Pang Ayaland Land (ALI) Shares?
Being in cash mode is a position, too. Alam mo ba yun?
Simple lang naman ang ibig sabihin ng aking Evergreen Strategy 2.0’s algorithm kapag hindi ito nag-issue ng confirmed buy signal. It means more likely na magtutuluy-tuloy pa ang pagbaba ng price. Take note na hindi guaranteed na bababa pa talaga. Probability ang pinag-uusapan natin parati dito.
So, in the case of ALI, stay on the sidelines ka na muna. Iparada mo muna ang buying power mo para kay Ayala Land. Kapag may confirmed buy signal na, mag-compute ka muna ng reward-to-risk ratio mo. Kung happy ka na sa ratio, dun ka mag-test-buy either within or near the prevailing dominant range na ibibigay ng aking Dominant Range Index. I hope I’ll get the chance to teach you live via a 1-on-1, whole-day (8 hours), training on my Evergreen Strategy 2.0 para ma-explain ko lahat ng ito sa iyo. This way, maiintindihan mo na lahat ng write-ups ko.
How to Hire Me as a Mentor?
There are two ways.
The first option is to avail of the 1-on-1, whole-day, virtual training session with me. May kasama na itong 1-year free subscription sa Equilyst Analytics. Sa 1-on-1 training na ito ko ituturo sa iyo ang kabuuan ng aking proprietary methodology. Magagamit mo ang 1-year subscription para mai-raise mo ang mga follow-up questions (siguro akong may mga follow-up questions ka). Sa subscription na ito mo makikita yung mga natutunan mo in action.
The second option is direktang mag-subscribe ka lang sa stock market consultancy service ni Equilyst Analytics. Walang 1-on-1, whole-day, virtual training dito. Magbabasa ka lang ng Subscriber’s Manual. Kapag may hindi ka naiiintindihan sa nabasa mo, pwede mong itanong sa Private Clients Forum para sa mga clients namin. Please read ang buong home page ng website namin at https://www.equilyst.com para sa detalye ng mga inclusions ng aming subscription service.
Although mas may presyo ang 1-on-1 training session kaysa sa subscription service lang, mas magiging klaro ang pagkakaintindi mo sa methodology ko at mas mabilis mo itong maiinintidhan dahil solo mo ang training session. Hindi ka mahihiyang magtanong. Alam ko kasing nahihiyang magtanong ang iba kapag group learning session. Pero dahil 1-on-1 nga ang setup, alam kong hindi ka mako-conscious sa pagtatanong. On top of that, mas mabilis mo pang makukuha ang mga kasagutan sa mga tanong mo dahil live mo akong matatanong. Libre pa ang 1-year subscription mo.
If subscription lang ang gusto mo, yung walang 1-on-1 training session, click here para mag-subscribe. Nandyan na sa page na iyan lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa subscription service. Nariyan na rin ang subscription form na need mong i-fill-out after mong magbayad.
If gusto mo naman ng 1-on-1, whole-day, virtual training with me (with 1-year free subscription), please click here to send me a message.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024