Insights for Xurpas Inc. (PSE:X)
If matagal ka nang nakabilanggo kay Xurpas, malamang ay ikinatuwa mo ng husto ang 34.18% na paglaki ng share price nito noong January 21, 2022 kaugnay ng company disclosure na nagpapatunay ng approval of issuance of P100 million worth of common shares kay Nix Nolledo, isa sa mga founders ng Xurpas, Inc. Nagsara sa P0.53 per share si Xurpas noong January 21, 2022.
However, hindi naging sustainable ang artificial na pag-akyat ng presyo dahil bumaba by 8.49% ang share price ni Xurpas sa sumunod na trading day, January 24, 2022, sa presyong P0.485 per share.
Nagpatuloy ang pagbaba ng presyo ni Xurpas sa mga sumunod pang mga trading days. Today, January 27, ay nagsara ang presyo sa P0.445 per share, down by 2.20%.
Kamusta si Xurpas in the Past 6 Years?
Nakabaon pa rin si Xurpas sa loob ng downtrend channel. Halos naabot na ni Xurpas ang P20.00 per share noong 2016. Fast forward to 2022, down by almost 98% ito mula sa almost P20.00 per share na price nito noong 2016.
Kamusta si Xurpas in the Past 9 Trading Days?
After 15 months of trading suspension kay Xurpas, nag-resume ang trading dito noong January 17, 2022. Unfortunately, hindi pa rin nakakalabas sa downtrend bubble ito.
Kamusta ang Galaw ng mga Foreign Investors?
Relatively insignificant ang daily net foreign amounts na naipi-print kay Xurpas. Kahit pa noong halos pumalo na sa 40% ang day change nito noong January 21, 2022 ay hindi man lang umapak sa half million pesos ang net foreign buying amount para kay Xurpas.
Kamusta ang Volume ni Xurpas?
Kitang-kita ang napaka-anemic na gana ng mga traders at investors kay Xurpas through its volume. Tatlong araw nang mas mababa pa sa 50% ng 10-day average volume ni Xurpas ang daily volume nito. This means more likely na sa-sideways na naman si Xurpas with a bearish bias.
Kamusta ang Prevailing Momentum Based sa MACD ni Xurpas?
Bearish pa rin. Wala akong nakikitang formation of a bullish convergence between MACD and its signal line. So, by classical interpretation of the MACD, mukhang magpapatuloy ang downtrend.
Newbie-friendly pa ba si Xurpas?
Hindi na beginner-friendly si Xurpas dahil pasok na ang kanyang erraticity level sa “extremely high level” gawa ng kanyang 10-day historical volatility score na almost 220%. If beginner ka sa trading and investing, i-filter mo ang mga stocks at mag-umpisa ka sa mga may 10-day historical volatility score na hindi lalampas sa 50%. Patentado at may pagka-predictable ang galawan ng mga stocks na may 10-day historical volatility na hindi lalampas sa 50%.
Bantayan ang support malapit sa P0.39 per share. Ang immediate resistance ay malapit sa P0.55 per share.
Sa P0.21 per share na ang support level ni Xurpas kapag nag-breakdown ito sa P0.39 per share. Ang P0.21 ay based sa 61.8% retracement ng aking reversed Fibonacci.
May Buy Signal ba si Xurpas?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: NO
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: NO
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: NO
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: NO
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of this stock.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of this stock.
Want Access sa Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts na siyang bubuo sa analysis ko. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman mo kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024