Insights for ABS-CBN Corporation (PSE:ABS)
Naging maganda ang pasok ng bagong taong 2022 para sa mga holders ng ABS-CBN shares dahil nag-bend paitaas ang dating downtrend. Narespeto ang support malapit sa P12.40. Kaya naman noong January 24, 2022 ay naitala ang intraday high na P14.44.
Samantalang, mukhang isang matibay na resistance na mahirap basagin itong P14.30, which is confluent with the 50% retracement of the Down Fibonacci. Nitong araw ng Miyerkules, January 26, ay nag-gap down itong si ABS-CBN at pumailalim muli sa kanyang 10-day simple moving average (SMA).
Marahil ay nakaparaming ABS-CBN shareholders ang natuwa nang makitang unti-unti nang nakakabawi ang share price nitong si ABS. Siguro, ang iba rin sa inyo ay naging confident na magtutuluy-tuloy na ito gawa ng pagbebenta ni ABS-CBN ng treasury shares at PDRs na may combined approximate value na P500 million for this purpose, which I quote, “The proceeds will be used for digital initiatives, content production and other general corporate purposes.”
Si COL Financial pa rin ang numero unong broker na mas malaki ang ibinenta kaysa sa biniling ABS shares ngayong araw na ito. Samantala, sinusubukan ni First Metro Securities na saluhin lahat ng ibinebentang ABS shares ni COL Financial.
As of this time of writing, nasa 34.29%, o 12 out of 35 participating brokers, ang may 100% buying activity kay ABS. Malamang ay nagtatanong ka kung bakit hindi umangat ang share price ni ABS if nasa mahigit 1/3 ng participating brokers pala ang may 100% buying activity dito. Simple lang naman ang sagot: Walang lakas para i-reverse ang isang downtrend kung barya-barya lang ang bala ng mga matataas ang confidence na bilhin ang isang stock.
Kamusta si ABS in the Past 4 Months?
Pababa ang trend ni ABS nitong nagdaang 4 months lalo na sa buong last quarter ng 2021.
Kamusta si ABS in the Past 30 Days?
Pasok sa uptrend si ABS sa unang bungad ng 2022. Pero abangan natin if this will continue to stand true dahil sumadsad na naman sa ilalim ng 10SMA ang current price ni ABS as of January 26, 2022.
Kamusta ang Galaw ng mga Foreign Investors?
Huwag na nating hagilapin ang participation ng mga foreign investors kay ABS dahil mayroon tayong Presidential Decree No. 1018 September 22, 1976, which states, “Sec. 2. The ownership and management of mass media shall be limited to citizens of the Philippines, or to corporations or associations wholly owned and managed by such citizens.”
Kamusta ang Volume ni ABS?
Backed by a bearish volume ang bearishness ni ABS ngayong January 26, 2022. Lampas pa sa 100% ng 10-day volume average ni ABS ang prevailing volume. That only means may nasilip na kabenta-benta talaga ang mga common shareholders ni ABS kung kaya’t marami ang nagsipagbentahan ngayong araw na ito.
Kamusta ang Prevailing Momentum Based sa MACD ni ABS?
Although bullish pa rin si MACD by classical interpretation, may namumuo nang bearish convergence between MACD and the signal line. Kapag nagpatuloy ba itong pagbaba ni ABS ng share price, magwo-worsen itong trend from bearish convergence to bearish divergence.
Newbie-friendly pa ba si ABS?
Pasok pa rin sa moderate erraticity level si ABS pero less than two points away na lang ito from entering the high erraticity level. Napakalaki ng ambag ng gap down nitong January 26, 2022 para pumalo from 30sh to 60sh ng 10-day historical volatility score ni ABS.
May Buy Signal ba si ABS?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: NO
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: NO
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of this stock.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of this stock.
Want Access sa Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts na siyang bubuo sa analysis ko. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman mo kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024