Insights for Nickel Asia Corporation (PSE:NIKL)
If walang buy signal si Nickel Asia Corporation (PSE:NIKL), it’s either you hold your position (as long as your trailing stop is intact) or postpone plans to buy.
Pero kung may buy signal si NIKL, bibili ka ba on breakout sa resistance at P6.40 o kapag nagpullback ito malapit sa immediate support at P4.90, o magbebenta ka kapag lumapit-lapit o na-hit na nito ang P6.40?
Kamusta si NIKL in the Past 13 Months?
Mahigit 1 taon nang kulong sa sideways movement si Nickel Asia Corporation (PSE:NIKL) between P4.90 and P6.40. Kaya kung nakapasok ka kay NIKL noong bandang December 2020 at hindi pa tinatamaan ang iyong trailing stop, ibig sabihin ay mahigit 1 taon nang hindi nakakatikim ng significant na capital appreciation ang investment mo sa mining stock na ito. Sabihin na lang nating pampalubag-loob yung sumatutal na P0.45 cash dividend na nakuha mo sa buong 2021.
Kamusta si NIKL in the Past 13 Days?
Mula sa pagkilatis kay NIKL sa loob ng 13 months, kilatisin naman natin ito sa loob ng 13 days. Kung 13 days lang ang ipapasok natin sa ating lente ay sasabihin kong nasa uptrend channel si NIKL. For one, mahigit 1 week nang mas mataas ang kayang prevailing price kaysa sa position ng kanyang 10-day simple moving average (SMA).
Kamusta ang Galaw ng mga Foreign Investors?
Kahit pa nakikita na nating nakakapagtala na ang mga foreign investors ng 8-digital net foreign buying almost everyday for the past week ay hindi naman ito significant talaga kung titingnan natin ang kanilang mga contribution sa trading ni NIKL sa nakalipas na 13 months.
In this case, walang mabigat-bigat na pwedeng i-attribute sa kilos ng mga foreign investors kay NIKL sa paggawa ng isang trade or investment decision. Pwedeng magbago ang sentiment na ito later, however, depende kung magiging consistent ang mga foreign investors sa pagpi-print ng mga 8-digit daily net amounts regardless kung net buying or net selling ang mga iyon.
Kamusta ang Volume ni NIKL?
Relatively liquid naman si NIKL. Mas madalas yung mga pagkakataong higit pa sa 50% ng 10-day volume average yung daily volume naman. If gusto ng mga traders at investors ni NIKL na mabasag talaga ang resistance sa P6.40, ang kailangan ay lampas pa sa 100% ng 10-day volume average ang mai-register na green volume para maging sustainable ang pag-akyat ng price. Otherwise, baka iki-kiss lang niya ang resistance at magmo-move away na ito pabalik malapit sa support at P4.90 kagaya dati.
Kamusta ang Prevailing Momentum Based sa MACD ni NIKL?
Bullish pa naman si MACD dahil it runs above its signal line pa naman. Wala rin akong nakikitang namumuong bearish convergence between the two lines.
Newbie-friendly pa ba si NIKL?
Newbie-friendly stock ko pa ring maituturing si NIKL gawa ng 10-day historical volatility score niyang nasa 48% pa lamang. Ilagay natin sa tamang context ang ibig kong sabihin sa “newbie-friendly”. Kapag sinabi kong newbie-friendly ang isang stock, ang ibig sabihin nito ay hindi ito nagpapakita ng sobrang likot na erraticity. In layman’s terms, hindi biglaan ang pag-akyat at pagtaas ng price nito to the point na nagre-register na ito ng mga gap ups and downs. Based on my nearly 8 years of experience guiding stock traders and investors, na-observe ko na maraming newbie ang gumagawa ng abrupt (hindi masyadong pinag-isipan) decisions kapag nasa high to extremely high na ang erraticity score ng isang stock based sa kanyang 10-day historical volatility score.
May Buy Signal Ba Si NIKL?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: YES
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: YES
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of this stock.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of this stock.
Want Access sa Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts na siyang bubuo sa analysis ko. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman mo kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024