Insights for AC Energy Corporation (PSE:ACEN)
Although hindi convincing para sa akin ang relatively mababang volume ni ACEN as of closing on January 20, napanatili nito ang kanyang position sa taas ng 10-day simple moving average (SMA). Nakapag-crossover rin si MACD line sa taas ng signal line ngayong araw na ito.
Ang mga foreign investors naman ay na-straight nila ang pagtatala ng net foreign buying sa 6 na trading days. Gayunpaman ay hindi pa rin ito sapat para maitabla nila ang naglalakihang net foreign selling na naitala kamakailan lamang. For now, sasabihin kong ayaw ko munang panghawakan ang pagpapakitang gilas ng mga foreign investors maliban na lang kung mag-register sila ng mga net foreign buying bars na ine-engulf ang mga naglalakihang net foreign selling bars nitong nagdaang mga linggo.
Ang immediate support ni ACEN ay malapit sa P9.00 habang ang kanyang immediate resistance ay malapit sa P10.15.
Kung magtutuluy-tuloy man ang pag-akyat ng price ni ACEN, I prefer na mag-register ito ng green volume bar na lampas pa sa 50% ng 10-day volume average niya para mas convincing ang pagtaas ng presyo. Otherwise, baka mag-move lang ito in a sideways pattern between P9.00 and P10.15.
Kung ipapa-compress mo sa akin ang daily chart ni ACEN mula 2019 hanggang sa kasalukuyan, sasabihin kong pasok pa rin sa uptrend channel ito. Pero kung babasahin ko ito from October 2021 hanggang sa kasalukuyan, sasabihin ko namang nasa loob pa rin ng downtrend channel itong si ACEN. So, ang trend nito ay relative pa rin sa timeframe na tinitingnan.
Konting Advice Sermon 🙂
Kung hawak mo na itong si ACEN, I advise na i-hold mo ang position mo kung hindi pa tinataman ang trailing stop mo. Ang trailing stop mo kasi ang mark kung hanggang saan lang ang risk na kaya mo. Para sa akin ay hindi sapat na dahilan ang “long-term investor ako” para i-hold ko ang position ko kahit pa matagal nang nasagasaan ang aking trailing stop. Para ko na lang kinakalamay ang sarili ko sa loss na hindi ko kayang dalhin kapag ganun ang mentalidad ko sa trading or investing.
Whether short-term trader o long-term investor ang setup mo, palagi mong isaalang-alang ang trailing stop mo. Sa totoo lang, hindi ka makakatulog ng mahimbing kung down by 30% ka na when, in fact, hanggang 10% lang naman pala ang realistic na risk na kaya mong i-tolerate. So, kung gagawa ka ng trade or investment plan, gawin mong logical at practical. At the end of the day, walang ibang mapeperwisyo kundi ikaw kapag malayo sa katotohanan ang mindset mo sa decision-making pagdating sa stock trading and investing.
Okay. Tama na ang sermon. Silipin natin kung may buy signal na ang stock na ‘to ayon sa aking proprietary methodology.
May Buy Signal Ba Si ACEN?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: YES
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: NO
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: YES
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of this stock.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of this stock.
Want Access sa Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts na siyang bubuo sa analysis ko. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman mo kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024