Aboitiz Power Corporation Technical Analysis
Pasok ba sa uptrend, downtrend, o sideways ang trend ni Aboitiz Power Corporation (AP)?
Depende ang sagot sa date range nag involved.
If kikilatisin natin ito magmula sa nakaraang 5 taon, nasa downtrend channel si PSE:AP.
If kikilatisin naman natin ito magmula sa nagdaang 5 buwan, si PSE:AP ay nagpapakita ng sideways movement.
Pero if ire-rewind natin mula June 2021 hanggang sa kasalukuyan ay nasa uptrend channel ang energy stock na ito.
So, if may nagtatanong sa iyo kung ano na ang trend ng isang stock, banggitin mo rin kung ano ang yung date range na reference mo para relative ang sagot mo.
Isa si PSE:AP sa mga trending stocks na pinag-uusapan at madalas na binu-view ang disclosure sa PSE Edge kaya napag-isipan kong silipin ito for you.
Ang immediate resistance ni PSE:AP ay malapit sa P34.20, habang ang kaniyang immediate support is near P29.30.
Kapag nagtuloy-tuloy ang green day change na ito, na suportado ng volume na lampas pa sa 50% ng 10-day volume average ni PSE:AP, ay magkakaroon ng malaking chance na mag-breakout sa P34.20 papuntang next resistance malapit sa P37.80.
Hindi pansinin ng mga foreign investors itong si PSE:AP, in terms of pagre-register ng net buying, magmula noong November 2021. Medyo nagbago ang ihip ng hangin ngayong araw na ‘to, January 19, 2022, dahil sa P18.60 milion na net foreign buying na nai-print. Ito ang pinakamalaking net foreign buying sa isang araw na nai-register ng mga foreign investors kay PSE:AP magmula noong November 22, 2021.
Gayunpama’y net seller pa rin ang mga foreign investors kay PSE:AP this January month-to-date. In fact, only 3 sa 12 months ng 2021 ang naitala as net buyers ang mga foreign investors. So, kung sentimiento lang ng mga foreign investors ang pagbabasihan, mukhang marami-rami pang net foreign buying days ang dapat na ipakita ng mga foreign investors para maging kakumbinsi-kumbinsido na may significant support na ang mga foreign fundies sa capital appreciation ni PSE:AP.
Samantala, maganda naman ang ipinapakitang pagbawi ng price ni PSE:AP na pabor sa mga kasalukuyang meron na nito sa kanilang stock portfolio. Habang papalapit kasi ito sa immediate resistance ay papalayo naman ito ng papalayo sa kaniyang 10-day simple moving average (SMA), which is isang magandang sensyales as far as my proprietary methodology is concerned.
In addition to that, tuluy-tuloy pa rin naman ang bullish position ni MACD sa taas ng kaniyang signal line. Wala pa naman akong nakikitang formation ng isang bearish convergence sa dalawang linya.
Sa kabilang banda ay nananatili pa rin sa low erraticity level itong si PSE:AP gawa ng kanyang 10-day historical volatility score na almost 47.50%. Sa simpleng salitaan ay naging banayad lang ang pag-angat ng price ni PSE:AP at hindi ito nag-register ng mga makapigil-hiningang gaps. Although sinasabi kong newbie-friendly ang isang stock kapag below 50% ang 10-day historical volatility, hindi ito signal para bilhin na lang basta-basta ang isang stock.
May Buy Signal Ba si PSE:AP?
Isa-isahin natin ang mga indicator na kasama sa aking proprietary methodology para malaman if may buy signal na ba o wala pa rin si PSE:AP.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: YES
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: YES
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the DRI of PSE:AP.
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: Login to your account and ask for the MSI of PSE:AP.
Gusto Mong Mabasa ang Buong Report na May Recommendation?
Subscribe to our stock market consultancy service now hindi lang para maintindihan mo kung paano i-interpret ang methodology na ‘to, kundi pati na rin para mai-request mo sa aming Private Clients Forum ang status ng ibang indicators at proprietary charts ni Equilyst Analytics. This way, malalaman mo ang mga logical options mo kung ano ang gagawin regardless if hawak mo na ang stock o hindi pa.
Pwede kang mag-subscribe ng 1 month, 6 months, at 1 year. P5,500 lang ang 1-year subscription. Parang P15.00 per day lang! Mas gugustuhin mo bang himayin isa-isa ang lahat ng stocks na nasa Philippine Stock Exchange on your own araw-araw o ang magbayad na lang ng very affordable price at ihahapag na lang sa iyo ang result ng aming stock screener? Besides, hindi lang naman stock screener ang makukuha mo when you subscribe. CLICK HERE at basahin ang nakasulat sa home page ng aming website para malaman kung anu-ano ang inclusions ng aming stock market consultancy service.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024