AC Energy Corporation (ACEN) Technical Analysis
Kung susukatin natin ang capital appreciation ni AC Energy Corporation (ACEN) magmula noong December 1, 2020 (closing price of P5.70) hanggang December 24, 2021 (closing price of P11.26), makikita nating nag-grow ito ng halos 100%. So, kung parallel channel ang ido-drawing o ipa-plot natin sa Daily Chart ni ACEN between those two dates na binanggit ko, sasabihin kong pasok pa rin ang current price nito sa uptrend channel.
Pero kung titingnan natin ang trend magmula noong October 13, 2021, kung kailan nito na-hit ang highest year-to-date price na P13.00, hanggang sa last price nito bago mag-Pasko, sasabihin kong nasa downtrend pa rin ang last price ni ACEN.
This shows na kung may magtatanong sa iyo kung nasa downtrend or uptrend channel pa rin ba ang isang stock, kailangan mo talagang banggitin ang data of reference mo (from and up to). Relative naman kasi talaga ang trend ng isang stock sa dates na pinagbabasihan mo.
Samantala, mapapansing hindi ganoong ka-active sa pagbili ng ACEN shares ang mga foreign investors sa unang dalawang quarters ng taong 2021. Medyo bumawi na lang sila sa pagbili nitong last half ng taon. Kaya naman net buyer sila year-to-date. Iyon ay dahil sa halos P850 milyong net foreign buying na naitala noong November 2021. Ang pinakamataas na net foreign buying amount na nai-register sa loob lamang ng isang araw ngayong taon ay noong November 29, 2021 na kung saan nai-register ang P849.50 milyong net foreign buying. Ito yung araw na bumaba by almost 4% ang price ni ACEN. In other words, naging buying opportunity sa mata ng mga foreign investors ang nangyaring capital depreciation noong araw na iyon.
Pwede ba si ACEN Kahit sa mga Newbie?
Nananatiling low-risk level pa rin para sa akin si ACEN dahil sa kanyang 10-day historical volatility (HV) score na 47.40%. Ang tawag ko dito ay “newbie-friendly stock” basta hindi pa lampas sa 50% ang 10-day HV ng isang stock. Now, hindi porke sinabi kong newbie-friendly ang stock na ito ay hindi ibig sabihing pikit-mata mo na lang itong bibilhin.
As far as knowing my reasons for buying is concerned, dapat ay bullish ang status ng 6 na indicators na aking minomonitor. Ang tawag ko sa proprietary methodology kong ito ay Evergreen Strategy 2.0. Ni-revise ko ito nitong August 2021 lamang. Gusto mo bang makita ang ilan sa mga naging resulta ng mga buy signals na nakukuha ko sa methodology ko? Click here. Sampu pa lang iyang naide-demo ko. There’s a total of 1,432 buy signals ang nai-record ko mula August 2, 2021 hanggang December 23, 2021. Hintayin mo on or before the end of January 2022 yung presentation ko ng results noong 1,432 buy signals na iyon.
May Buy Signal ba si ACEN?
Samantala, narito ang summary ng status noong 6 indicators na mino-monitor ko sa paghahanap ng confirmed buy signal sa isang stock. Tandaan na although universal technical indicator ang 4 sa 6 na indicators na gamit ko, hindi ko sinusunod ang classical na paggamit o pag-i-interpret sa resulta nila. May sarili akong pamamaraan ng pag-i-interpret sa nakikita ko sa 10-day SMA, MACD, volume, at VWAP. Yung 2 sa 6 indicators ay sarili kong indicator. Kaya naman hindi mo sila makikita sa TradingView o sa alinmang interactive chart ng kahit na sinong local or international broker. Ang 2 proprietary indicators na tinutukoy ko ay ang aking Dominant Range Index at Market Sentiment Index. Hindi ko ie-explain dito sa technical article na ito kung paano at bakit ko binuo ang dalawang indicators na ito dahil nai-explain ko na ito ng detalyado sa Subscriber’s Manual at sa mga nag-avail ng 1-on-1 training sessions ko.
Price vs. 10-day Simple Moving Average (SMA)
Parameter 1: Ang last price ba ay gumagalaw sa taas ng 10-day simple moving average?
Answer: YES
Volume
Parameter 2: Ang pinakadulong volume bar ba ay mas mataas kaysa sa 50 percent ng 10-day volume average ng stock?
Answer: YES
Moving Average Convergence Divergence (MACD) vs. Signal Line
Parameter 3: Ang kaniyang moving average convergence divergence (MACD) ba ay gumagalaw sa taas ng signal line?
Answer: YES
Volume-Weighted Average Price (VWAP)
Parameter 4: Ang pinakahuling price ba ay equal o mas mataas kaysa sa volume-weighted average price (VWAP) ng stock?
Answer: YES
Dominant Range Index (DRI)
Parameter 5: Ang Dominant Range Index ba ng stock ay bullish?
Answer: YES
Dominant Range Index: BULLISH
Last Price: 11.26
VWAP: 11.26
Dominant Range: 11.26 – 11.26
Market Sentiment Index (MSI)
Parameter 6: Ang Market Sentiment Index ba ng stock ay bullish?
Answer: NO
Market Sentiment Index: BEARISH
12 of the 50 participating brokers, or 24.00% of all participants, registered a positive Net Amount
13 of the 49 participating brokers, or 26.53% of all participants, registered a higher Buying Average than Selling Average
50 Participating Brokers’ Buying Average: ₱11.26238
50 Participating Brokers’ Selling Average: ₱11.26906
2 out of 50 participants, or 4.00% of all participants, registered a 100% BUYING activity
24 out of 50 participants, or 48.00% of all participants, registered a 100% SELLING activity
ACEN Technical Analysis: May Buy Signal o Wala?
Muntik nang magkaroon ng confirmed buy signal si ACEN kung hindi lang sana bearish ang kanyang Market Sentiment Index. Based sa statistics ng Market Sentiment Index ni ACEN, marami ang nag-lock-in profits or ini-apply ang sell-on-strength strategy noong December 24, 2021. Halos one-third ng mga participating brokers noong December 24 ay net sellers. Sa 50 participating brokers, 2 lang ang mataas ang kompiyansa na nagtala ng 100% buying activity kay ACEN. Isa si JP Morgan Securities, na pasok sa top 10 brokers ni ACEN noong December 24, sa 2 brokers na tinutukoy ko.
Anong Gagawin Kung Hawak Mo Pa Rin si ACEN?
Basta ba intact pa rin ang trailing stop mo kay ACEN, pwede mo pang i-hold ang position mo. It means tolerable pa rin ang situation mo. Now, kung 3 sunud-sunod na trading days nang bearish ang either or both Dominant Range Index at Market Sentiment Index, pwede mo nang pangunahan o i-pre-empt ang iyong trailing stop by selling everything in one go or in tranches. Now, alin between selling everything in one go or in tranches ang tamang gawin? Wala ring universal na tamang sagot sa tanong na iyan. Pick the one na naayon sa situation at risk appetite mo.
Huwag ka munang magta-top up. I-reserve mo na lang ang buying power mo para may magamit ka kapag may confirmed buy signal na ulit si ACEN, which is kapag bullish na lahat yung 6 indicators na nasa itaas.
Anong Gagawin Kung Wala Ka Pang ACEN?
Ipirmi mo muna sa account mo iyang buying power mo. Huwag kang magmadali. Although hindi 100% guaranteed, ang bearish na Market Sentiment Index ay isang sinyales na hindi pa ganoon kataas ang confidence ng mga trading participants na gawing sustainable ang pagtulak paitaas sa price ng stock. More likely na bearish to sideways ang mga next na galaw ni ACEN.
Now, kapag naging bullish na lahat yung 6 indicators, huwag kang bibili kaagad ng ACEN shares. Mag-compute ka muna ng reward-to-risk ratio mo. Dapat ay mas mataas ang potential reward kaysa sa potential risk mo. Huwag mo akong tatanungin kung ano ang ideal reward-to-risk ratio na katanggap-tanggap dahil walang universal na sagot sa tanong na iyan. Relatibo sa bawat isa sa atin kung ano ang magandang reward-to-risk ratio. Pupwede kasing ang katanggap-tanggap lang na reward-to-risk ratio sa iyo ay yung mga hindi bababa pa sa 3:1. Pwede rin namang masaya ka na kahit 1.5:1 lang ang ratio. In short, kanya-kanya tayo pagdating sa kung ano ang katanggap-tanggap na reward-to-risk ratio. Kapag masaya ka sa ratio, doon ka na pumosisyong mag-test-buy either within or near the prevailing dominant range.
Kung subscriber kita sa Equilyst Analytics, pwede mong i-request ang summary ng analysis ko sa kahit anong PSE-listed stock. May Private Clients Forum para sa lahat ng clients ko. Wala iyon sa Facebook kundi sa aking website at www.equilyst.com. Kung hindi ka subscriber o kung hindi ka dumaan sa 1-on-1 virtual training session with me, imposibleng ma-figure out mo ang status ng bawat isa sa 6 na indicators na mino-monitor ko. Unang-una, ako lang ang makaka-generate ng DRI at MSI indicators. Ako lang din ang makakapag-interpret ng kanilang statistics maliban na lang kung dumaan ka na sa mentorship ko.
Anong Gagawin Kung May ACEN Ka na Pero Ngayon Mo Lang Narinig ang Trailing Stop?
Kailangan mong mag-backtrack. Bakit? Para malaman mo kung matagal ka na ba dapat nagbenta o ka-hold-hold pa ang position mo kay ACEN dahil intact pa ang trailing stop mo. Pwede mo namang gamitin ang trailing stop calculator ko. I also suggest na pumunta ka sa RESOURCES page ng aking website at i-search mo ang “trailing stop” sa search box para makapagbasa ka ng mga naisulat kong article kung saan nabanggit ko ang “trailing stop”.
May tatlong letter Ps na naitutulong ang paggamit ng trailing stop. Una, it preserves your capital. Ikalawa, it protects your gains if meron na. Ikatlo, it prevents unbearable losses.
Kailangan Mo Ba ng Tulong Ko?
I hope matagal ka nang subscriber sa Equilyst Analytics or dumaan ka na sa 1-on-1 mentoring session with me para mas naiintindihan mo hindi lang ang HOW, WHAT, at WHEN kundi lalo’t higit ang WHY ng aking Evergreen Strategy 2.0. May mga bakante pa naman akong araw to accommodate 1-on-1 mentoring sessions sa January 2022. Message me kaagad para mai-secure mo na ang slot mo. Those who’ll avail of this 1-on-1 mentoring session will get a 1-year free subscription at Equilyst Analytics para may chance kang magtanong ng mga follow-up questions at para mai-apply mo na rin with guidance yung mga matututunan mo sa exclusive mentoring.
Pwede ka namang hindi na dumaan sa 1-on-1 mentoring at diretsong mag-subscribe ka sa Equilyst Analytics pero Subscriber’s Manual lang ang pinaka-guide mo. Walang virtual face-to-face guidance. Iba pa rin ang 1-on-1 session dahil maitatanong mo at makukuha mo ang sagot kaagad mula sa akin.
- Key Prices for PH Bluechip Stocks 30% Above 52-Week Low - June 4, 2024
- May 2024 Market Sentiment Rating of 30 PH Bluechip Stocks - June 3, 2024
- EquiTalks: ICT, BPI, AEV Updates – 5.29.2024 - May 29, 2024